Special Chapter Part Three Few months later. Xander’s Point of View 7 months pregnant na si Witch ngayon an thank God, at ayos sila ng baby namin. Kahit madalas maghanap si Witch ng manggang hilaw at alamang, ayos naman siya kahit inaatake siya ng allergy niya minsan dahil sa alamang na shrimp pala ang content. Nito ko lang nalaman. Nagkakaroon lang ng mga red spots sa katawan si Witch pag kumakain siya nun. Hindi niya rin kasi mappigilan eh. Pero siyempre, nililimitahan ko din yung pagkain niya ng ganon. Nag iimpake na ako ngayon ng mga damit, ayoko sanang umalis. Kaso kailangan ako sa business trip na ito eh. One week lang naman akong mawawala pero siyempre alam kong hindi ako mapapakali dun pag hindi ko nakikita si Witch, lalo pa ngayon na malapit na ang kabuwanan niya.

