Chapter 16 Ang panahon, mabilis lang yan kung lumipas. Sa sobrang bilis, hindi mo namamalayan na dati pinapangarap mo lang mangyari, or pinapangarap mo lang noon na magkaroon ang isang bagay, pero ngayon abot kamay mo na. Sino ba naman ang mag aakala na ang isang babaeng masungit, malakas mang asar, walang puso, at galit sa mga lalaki noon ay magiging girlfriend ko pa pala? Sinong mag aakala na mamahalin ko pala siya ng ganito, ng sobra sobra. Last week of November na. Xander's Point of View "Kelan balik niyo Witch?" - tanong ko Aalis kasi sila ng buong team nila, for the last week ng project na ginagawa nila. Deadline na kasi nung project next week. Hay. "Kapag natapos na namin siguro. Baka mga monday or tuesday na siguro ulit ang balik ko." - sagot niya "Ang tag

