Chapter I: Beth

1705 Words
Nandito ako ngayon sa sala nang bigla kung naramdaman na may padating, siguro si tita beth yun. Nagmamadali naman akong tumingin sa labas nang bintana para tingnan kung siya ba yun. Pagkakita kong si tita Beth yun ay nagmamadali naman akong lumabas. Patakbo kong linabas ang bahay at nagmamadaling pumunta sa kaniya. "tita Bethhhh!!!" sigaw ko. Lumingon siya sa deriksyon ko na nakakunot Ang nuo at saka ngumiti nung palapit na ako sa kaniya. "tita Beth ang tagal niyo yatang umuwi" naka ngiti kung sabi at niyakap siya. Nagulat naman siya sa pag yakap ko, pero di kalaunan niyakap niya rin ako saka ako bumitaw nang naka ngiti. "Ikaw talagang bata ka, isang araw lang akong hindi naka uwi namiss mo agad ako" naka ngiting saad ni tita beth habang pina-pat yung ulo ko. Humahagikhik naman akong tumingin sakaniya saka ngumiting may paglalambing. "Halika pasok na tayo, may ipapakita ako sayong damit na binili ko sa bayan" sabi niya. Naglakad naman kami papasok sa bahay at habang nag-uusap. "Nga pala, kumusta si sammy?" tanong niya 'Okay lang kahit papaano' sabi ni sammy sa isip ko. Si sammy pala ang boy best friend ko, kasama kona siyang mula nung aku'y pinanganak hanggang ngayon. Hindi naririnig ni tita Beth or nang kung sino dahil siya lang ay nasa isip ko. Ako lang ang nakakarinig sa kaniyang boses. Wala siyang katawan, nasa isip ko lang talaga siya. "Okay lang naman siya tita Beth" sagot ko sa tanong niya at tinulongan ko naman siyang isaayos yung mga binili niya. "Iha anak, halika tingnan mo itong mga damit na binili ko sayo" sabi niya timing naman na tapos na ako sa pagliligpit. "Nandiyan na po" sagot ko saka lumapit sakaniya. Nakita ko naman siyang naka upo sa sofa habang hawak ang isang paper bag. Si tita Beth ay may kulay brown na buhok na hanggang balikat, pale colored skin, green eyes. Maganda si tita Beth at di mo mahahalata na 47 na siya. Si Tita beth na Ang nag-alaga sakin ung sanggol pa ako at hindi ko alam kong sino-sino Ang mga magulang ko. Tuwing tinatanong ko naman si tita, hindi niya sinasagot at palagi niyang iniiba ang topic kaya hindi ko nalang siya tinanong pa uli. Umupo ako sa tabi niya saka niya ibinigay sa akin yung paper bag. "Tingnan mo anak ang nasa luob, isukat mo narin sigurado akong magugustuhan mo yan" sabi ni tita Beth. 'I wonder what's inside that bag' "Dress daw" sagot ko kay sammy, bigla namang tumingin si tita sakin na may pagtataka ngunit nawala rin yun saka ngumiti. Tumakbo naman ako papunta kwarto ko para magbihis. "Woww!" I exclaimed. "Ang ganda!" natutuwang saad ko habang naka tingin sa kabuuan ko sa isang salamin.. Suot ko ngayon ang isang isang sky blue princess cut na off shoulder dress na may white na belt na bumagay sa kulay nang dress. Hanggang tuhod ang haba nito. "Kasiyang-Kasiya ito sakin" natutuwang saad ko habang naka titig parin sa salamin. 'You look gorgeous my Queen' "Thank you Sam" I replied Lumabas naman ako para ipakita kay tita Beth. Pagka labas ko, nakita ko naman si tita Beth na naka ngiting naka tingin sa akin. "Sabi ko nanga ba eh, bagay na bagay sayo anak" pagpupuri niya sa damit na akong sinuot habang umiiikot-ikot sa harap niya. Natapos kong isukat yung dalawa pang ibinigay ni tita Beth, ang isa ay isang kulay plain green na dress na may sleeve pero ang skirt niya ay may bulak-lak na design. Bagay din siya sa akin. Ang isa naman ay isang gray na cropped top na hoodie. Pagkatapos kung isukat yung mga damit ay diko namalayan na mag gagabi na pala. Hapon na kasi nung dumating si tita Beth. "Anak! Bumaba kana, kakain na tayo!" sigaw ni tita Beth "Nandiyan na po" Sigaw ko pabalik at nagmamadaling bumaba para kumain. Masaya kaming kumakain habang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Pagkatapos namin kumain, tinulungan ko si tita Beth magligpit nang mga pinggan at ako narin ang nag prisinta na maghugas. Pagkatapos kong maghugas nang pinggan ay pumasok na ako sa aking kwarto para matulog. pagkapasok ko sa kwarto ay nag half bath muna ako saka nag toothbrush pagkatapos ay humiga na sa kama at nag-iisip nang kung ano-ano. "Sam?" 'hmm?' "kailan kaya tayo maka alis dito?" bigla kong natanong. Natahimik naman si sam sa tanong ko. "I mean, hindi naman sa ayaw ko dito kasama si tita Beth... Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga ang nasa labas nang gubat, yung mga itsura nang mga tao kung mababait ba sila dahil palaging sabi ni tita beth na marami daw ang masasama. Gusto kong maniwala na meron ding mga tao na mababait kagaya ni tita" Mahabang litaniya ko. 'I don't know' Napa sigh nalang ako sa sagot ni sam. "teka nga sam, napapdalas na yata yang kaka-english mo" sambit ko bigla nang marealize ko ito. Narinig ko naman siyang napa hagikhik. Napangiti naman ako pagkarinig ko sa hagikhik niya. 'Sleep now my queen' "okay" sagot ko saka umayos nang higa sa higaan. "Sam?" 'What is it, my queen?' "Sing me a song, please?" sabi ko sakaniya habang naka pikit. 'Okay' sagot niya at nagsimula naman siyang kumanta. Sam has a nice and very calming voice kaya hindi nagtagal naka tulog narin ako. 'Good night and sweet dreams my queen, I love you' Rinig kong sabi ni sam na nagpangiti sakin bago tuluyan akong naka tulog. 'My Queen, Zel, wake up' Nagising ako sa mahinang tinig na pumupukaw sakin. Binuka ko naman ang aking mga mata saka dahan dahang umupo sa kama. Tiningnan ko ang labas at ang sinag na nang araw. 'Good morning my queen' "Good morning rin sayo Sam" sambit ko saka dahan dahang umalis sa higaan at saka niligpit ito. Pagkatapos ay pumunta ako sa banyo para mag toothbrush saka maligo narin. Habang nag sisipilyo ay naka tingin ako sa kabuuan ko sa salamin. I have a shiny long black hair na may curl sa huli, I also have a crystal clear blue eyes, a pale colored skin, a pointy nose, rosy check, and a small pink lips. Pagkatapos ay naligo na ako at nag suot nang plain white 3/4 dress na hanggang tuhod, na may brown belt na pinarisan kodin nang brown boots atsaka lumabas. Bumaba na ako pumunta sa kusina, nadatnan ko naman si tita beth na naghahanda na nang almusal sa mesa. "Good morning tita" sambit ko pagkadating ko sa tabi Niya Saka hinalikan sa pisngi. "Good morning din anak" sagot Niya Tinulungan ko narin siyang maglagay nang pinggan Saka kami umupo at nagsimula nang Kumain nang almusal. Habang kami ay nag-aalmusal bigla namang nagsalita si tita beth. "Siyanga Pala anak, aalis na Naman ako sa makalawa para pumunta sa bayan" napatigil Naman ako sa pagkain Saka ako tumingin sa kaniya. "Bakit po?" Tanong ko nang may pagtataka. "May kailangan lang akong puntahan, saglit lang Naman ako dun." Sagot Niya. "Pwede sumama?" Tanong ko nang naka ngiti. Nagbabakasaling pumayag si tita. Hindi pa talaga ako naka punta sa bayan dahil Hindi talaga Niya ako pinapayagan. Bigla Naman siyang natigilan sa pagtanong ko. "Hindi" mabilis na sagot Niya. "Pero tita, gustong -gusto ko talaga makita ang bayan atsaka makita Kung anong meron sa labas nang gubat na ito" naka pout Kung Saad. "Hindi talaga pwede anak, alam mo naman na ginagawa ko Lang ito para sa kaligtasan mo." Mahinahong sambit ni tita sa akin nang may pag-alala. "Hindi talaga pwede anak, alam mo naman na ginagawa ko Lang ito para sa kaligtasan mo." Mahinahong sambit ni tita sa akin nang may pag-alala. "Pero tita, hindi niyo naman ako kaylangan protektahan atsaka Kaya ko naman ang sarili ko, nadito Naman si Sam" sagot ko, pinagpatuloy ko narin ang pagkain. 'you're right' "Hindi talaga pwede anak, pasensiya na" mahinang sambit ni tita sapat na para marinig ko yun. "Pero tita"pagpupumilit ko "Sabi nang Hindi!!" Galit niyang sigaw sabay tayo kaya yumanig yung lupa sa ginawa niya. Nagulat Naman ako sa pagsigaw niya pati narin siya nung narealize niya ang ginawa niyang pagsigaw. Napatayo narin ako dahil Hindi ko akalain na sigawan ako ni tita. Sanilang taon kung Kasama si tita ay hindi pa niya ako kaylanman sinigawan at ngayon ko rin kasi nakita si tita na ganito maka react na may halong galit at pagka irita. "Iha... Anak..." Rinig Kung mahinang sambit Niya nang may pagsisisi. Dahan dahang Naman akong humakbang patalikod Saka biglang tumakbo palabas. "Nako, teka lang..." Rinig Kong huling saad niya habang tinatawag niya ako bago ako tuloyang naka labas sa Bahay. Tumakbo ako nang mabilis papuntang gubat, dun sa punong palagi kong tinatambayan. Pagkadating ko sa Puno ay umakyat Ako sa mataas na bahagi at saka umupo ako. Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. Hindi naman siya talagang malayo sa Bahay Yung punong ito. Hindi din ito alam ni tita na Lugar dahil palagi Naman siyang nasa Bahay o Kaya ay nasa bayan. "Hindi ko talaga siya maiintindihan" mahinang Saad ko saka pinatong ang ulo ko sa may tuhod ko nang naka yuko. 'maybe she have her reason' "I know, it's just, malaki na naman ako ah. I'm already 17, meron naman akong kapangyarihan atsaka nandiyan ka Naman diba..." 'you're right... Sorry Wala akong magawa...' "Don't be sorry Sam, it's okay as long as nandiyan ka magiging okay rin ako" sagot ko sa kaniya. 'okay...' Hindi ko na siya sinagot, Kung nagtataka kayong bakit biglang yumanig yung lupa kanina pagka sigaw ni tita, ito ay dahil Isa siyang earth manipulator, Oo may magic siya, hindi lang siya kundi lahat nang tao o mamamayan dito sa mundo namin na nag ngangalang Magic World. Ang kapangyarihan ko ay ice. meron din akong teleportation ability atsaka si Sam na kayang magpagalaw nang bagay at kaya rin niyang magpalutang nito. Habang ako ay naka upo ako sa itaas nang puno ay may naririnig Naman akong mahinang kaluskus. 'Do you hear it? I think something is coming'  Rinig Kong Sambit ni Sam, tumango naman ako sa sinabi niya. Lumalakas yung kaluskus na parang may mga taong paparating kaya bigla Naman akong kinabahan at na alarma. 'Mga' Kasi parang Hindi lang Isa Ang mga naririnig ko kundi parang marami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD