Princess/Zashee’s POV
Puro introductions lang ang ginawa namin maghapon. Halo-halong lahi ang mga classmates namin palibhasa ay International School.
At 4PM, we are asked to go and sign up for our chosen club. No choice dahil requirement yun. Sa Theater arts kami nag-sign up ni Shiela. Ayoko sana kaso hinila ako ng loka para daw lagi kaming magkasama.
“Bez, puntahan na lang daw natin si kuya sa gymnasium sa kabilang building,” saad niya habang nakatingin sa phone niya.
Sabay-sabay kasi kaming uuwi. Susunduin kami ng driver nila. Simula pagkabata, nakikisabay na ako sa kanila. Minsan si Tita Sheena pa mismo ang sumusundo sa amin. Kapag coding ang sasakyan nila, yung sa amin naman ang ginagamit pangsundo.
“Bakit doon pa?” baling ko sa kanya. Ang arte talaga ng Clayv na yun. Siya dapat ang tour guide namin ngayon siya pa ang magpapasundo.
“Di pa daw tapos ang try-out nila para sa basketball team,” tugon naman niya habang papunta na kami sa elevator.
“For sure, maraming guwapo dun!” she said giggling. Napaisip naman ako bigla.
“Yeah right!” nag-apir pa kami. Heheh!
Saktong pagdating namin ay siya na ang susunod sa pila. Napalunok pa ako pagkakita sa kanya. Iba pala ang effect ng jersey sa kanya. Parang mas gumuwapo siya. I looked at the other guys, ang tatangkad nila at ang guguwapo. Napangiti nalang ako, worthy naman pala ang nilakad namin papunta dito sa building nila. Nasa groundfloor lang ang gym nila kaya madaling hanapin at binigyan din kami ni Clayv ng directions.
“Go, Heever!!!”
“Go, number 7!!!”
Napatawa nalang kami ni Shiela nang marinig ang cheer ng ilang babae sa bleachers. 7 kasi ang jersey number niya.
Nagkatinginan kami ni Shiela bago ibinalik ang tingin sa court.
“Go Kuya!!!” “Go Clayv!!!”
We both laughed dahil nagsabay pa kami. He looked at our direction at agad na lumapit. Ngiting-ngiti pa siya. Kung di lang niya ako laging binu-bully, maguguwapuhan na talaga ako sa kanya. Hehe!
“Doon kayo, umupo,” inagaw niya ang file case na dala ko saka kami itinulak sa likod papunta sa bench nila. Pinaupo niya kami sa tabi ng bag niya.
We even heard some girls gossiping, “sino yang mga yan?” “baka kapatid, kuya ang tawag eh” “kambal?” “malay ko!”
“Hindi mo kami kailangang itulak, kuya!” Shiela rolled her eyes.
“Tss! Aarte pa kayo!” tugon naman niya. napatawa nalang ako. Hindi naman kasi malakas ang pagkakatulak sa amin, more of alalay lang. Maarte lang talaga itong bestfriend ko. Hehe!
Napatawa nalang kami ni Shiela at sinundan siya ng tingin habang pabalik ng court.
“Go, Espinueva!!!” sigaw ulit ng ilang babae. Siguro ay mga classmates niya or admirers. Hmp!
Nagfree-throw muna siya ng tatlong beses, siyempre nai-shoot lahat. Sunod siyang pumuwesto sa 3-point lane. Tumingin muna siya sa direksiyon namin bago nag-shoot. Tatlong sunod-sunod na shoot ang ginawa niya. Lumipat ulit siya sa gitna pero nasa 3-point lane pa rin. Hiyawan ang mga babae dahil wala pa siyang mintis. Nag-bow pa siya sa direksiyon ng mga ito bago lumipat sa gilid na parte ng 3-point lane.
“Ang yabang ng kuya mo!” bulong ko kay Shiela. Napatawa naman ito.
Bago siya magshoot ng huling 3-point shot. Tumingin siya sa amin at nag-wink. Nagkatinginan naman kami ni Shiela.
“Kanino siya kumindat sa’yo o sa akin?” nanunudyong tanong ni Shiela may kasama pang siko. Hindi ko alam kung bakit ako nag-blush.
“Ikaw ang kapatid baka sa’yo,” patay-malisya kong sagot.
“Malay ko ba kung sa prinsesa pala,” tudyo ulit niya.
“Ang halay mo!” tinulak ko siya. Natatawa naman itong bumalik sa puwesto niya. I looked at Clayv, nasa ring na siya at nagle-lay-up. Patuloy pa rin ang mga girls sa pag-cheer sa kanya. Pagkatapos niya ay lumapit na siya sa amin.
“Oh, ano bilib na kayo sa kaguwapuhan ko?” natatawa niyang tanong habang hinahawi pataas ang spikey hair niya. May wax na nga lang hinahawi pa, parang tanga lang tong si Clayv eh.
“IHhh!” kilig na kilig naman si Shiela at itinulak pa ako.
“Bakit ka nanunulak?” inis kong tanong. Muntik na kasi akong malaglag sa kinauupuan ko.
“Bez, 3 o’clock,” saad niya. Napatingin naman ako sa direksyong sinasabi niya. Oh di ba bestfriend talaga? Nagkaintindihan kami agad, hehe. I saw one of the players looking at me and smiling. Napangiti ako, mukha kasi siyang Brazilian model. Ang tangos ng ilong at mukhang may nakatagong 6-pack abs sa ilalim ng jersey niya.
“Kanina ka pa niya tinitingnan!” kinikilig niyang pahayag. Napatawa naman ako habang nakatingin pa rin sa lalaki.
“Hoy kayong dalawa! Umuwi na tayo!” inis na bulyaw ni Clayv sa amin.
Nagkatinginan naman kami ni Shiela at nagtawanan. May silent communicataion kasi kami na huwag sagutin ang pagmamayabang ni Clayv kanina. Alam kong inilihis niya lang ang atensyon namin para isnabin ang pagmamayabang ng kuya niya tungkol sa kaguwapuhan niya kuno. Hehe!
Nauna nang naglakad si Clayv bitbit ang bag niya at file case ko. Si Shiela kasi hindi nagdadala ng file case kasi mabigat daw. Yung shoulder bag niya lang na kasya ang buong folder ang dala-dala niya.
“Yung totoo, tinitingnan niya talaga ako?” bulong ko kay Shiela habang nakasunod kami sa kuya niya na wala na yatang balak magpalit ng damit bago umuwi.
“Tingnan mo ah kasi, nakatingin pa rin siya sa’yo.” Kilig na kilig nitong pahayag. Napatawa naman ako.
“Ang landi niyong dalawa!” inis na humarap si Clayv sa amin. Nagkatinginan naman kami.
“Landi agad, kuya?” Shiela said rolling her eyes.
“Oo! So better stop giggling!” inis namang sagot ng isa.
“At ikaw Princess, eto ang file case mo! Bitbitin mo!” he shoved the file case on my hands saka tumalikod na at tinungo ang exit door.
“May regla si kuya!” komento ni Shiela. We both laughed. Napatigil lang kami when he looked at us and glared.