Zashee’s POV Alas onse na nang makarating kami ng Mall kaya niyaya kami agad ni Mama na mag-lunch. Pagkatapos ng lunch, bumalik ulit kami sa shop at nangialam sa mga instruments. Ganito kasi ang ginagawa namin para maka-attract ng costumers minsan pinapatugtog namin. Si Clayv marunong sa electric guitar, yung pinsan kong si Damon sa drums at ako naman sa keyboard. Pag nandito si Shiela, siya yung nasa drums. Minsan din nag-aasist kami sa mga costumers pero madalas naghaharutan lang at nagpapasaway kay Mama. Katatapos lang naming tumugtog ng hilahin ako ni Clayv papunta kay Mama. “Tita, manonood lang po kami ni Princess ng movie,” paalam niya kay Mama. I looked at him puzzled pero ngumiti lang siya saka pinisil ang kamay ko. Tumingin si Mama sa kamay namin. Gusto ko sanang bawiin ang

