Zashee’s POV Sabi ni Mama sumakit daw ang ulo ni Clayv kaya nauna na silang umalis ng kasama niya while I was singing. Tumango nalang ako. Mas okay na rin siguro yun. Mas lalo lang kasi akong masasaktan kapag nakikita ko siya na may kasamang babae. Nasaktan din ako noon sa mga pictures na nakikita ko sa social media account niya pero mas masakit pala kung sa personal na. Hindi pa rin pala ako naka-move on matapos ang ilan taon. “Gusto mo inom tayo para mawala yang sakit na nararamdaman mo?” Napakislot ako nang bumulong si Shiela sa tainga ko. We are about to leave the restaurant. Papasakay na rin ang parents namin sa mga sasakyan nila. Magco-convoy nalang kami pauwi. “What are you talking about?” I tried to deny. “Sus bez! Kilala na kita... Alam kong na-inlove ka rin kay Kuya kaya

