KABANATA 10

1054 Words
Hinatid na ni Vince si Maia pagkatapos nila kumain at nagpaalam na din agad ito sa dalaga dahil may importante pang gagawin kinabukasan. "Baby I'm home." Bungad ni Vince kay Maia ng tumawag ito pagkadating sa bahay. "Akala ko ba matutulog ka na. Nag-abala ka pang tumawag talaga." Pagsusungit ni Maia pero ang totoo ay kinilig na naman siya. "Baby naman, I just wanna hear your voice before I sleep." "Sobra naman ata ang pagkasweet mo mister." "Eh kasi misis, namimiss ka na ng mister mo." "Ang corny mo Mr. Dela Fuente. Hindi bagay sayo." "Baby naman, hindi man lang sinasakyan ang kakornihan ko." "Naku naman Vince. Nagsisimula na naman ang kakulitan mo. Matulog ka na. Inaantok ka lang ata. I have to sleep also." "Ok baby. I will see you tom." "Hindi ka ba nagsasawa na makita ako araw-araw?" "Baby kapag mahal mo ang isang tao hindi ka magsasawa na makita siya. Tandaan mo lagi yan." "Whatever Mr. Dela Fuente. Let's sleep na. Thank you for this day. Nag-enjoy ako." "Your welcome baby. Sleep tight, see you tom. I love you." "Bye, good night." Sagot ni Maia at ibinaba na ang tawag nito. Masyado na siyang nasisiyahan sa mga sinasabi ni Vince at baka maniwala na siyang mahal siya nito kaya itinigil na niya ang tawag. Ayaw na muna niyang maniwala sa mga boladas ng lalaki at baka masaktan na naman siya. Kailangan na muna niyang manigurado kung talagang totoo ang mga sinasabi ng lalaki sa kanya. Mahirap na at baka luhaan na naman siya. Masaya siyang nakasama na naman niya si Vince pero may pag-aalinlangan pa rin siya sa mga ipinapakita nito. Hindi pa panahon para malaman niya kung ano ba talaga ang katotohanan sa nangyari sa relasyon nila dati na nagdulot sa kanya ng sobrang pighati sa pag-ibig. Hindi pa niya alam kung handa na ba siya uli masaktan kapag may matuklasan na naman siya sa lalaki. Baka may matuklasan na naman siya upang lumayo na naman dito. She don't want to be into a relationship na walang kasiguraduhan. She wants a stable relationship. Hindi naman siya takot magmahal pero natatakot lang siyang kapag nangyari uli iyon ay baka hindi na niya kayanin. Kinilig man siya sa mga ginawa ni Vince. Kailangan na muna niyang panindigan na hindi siya nadadala sa mga ginagawa nito. Kinabukasan nagising si Maia sa ingay ng telepono niya. "Ang aga namang tawag ito. I just wanna sleep." "Hello." Patamad na sagot ng dalaga sa tawag ng kung sino man. Hindi niya tiningnan ang screen kung sino ang caller at basta na lamang sinagot iyon. "Baby are you still in the bed?" Tanong ni Vince kay Maia pagsagot ng tawag niya. "Oo at bakit ang aga mo tumawag. Can you please give me time to rest. I'm so sleepy." "Baby it's already ten in the morning. You should be eating your breakfast." "Uhm, ten na pala. Wala naman akong gagawin kasi so kahit mamaya na ako kakain. Hindi naman siguro ikaw ang may hawak ng pinggan, kutsara, tinidor namin so please just give me time to relax." "Inaalala ko lang naman ang kalusugan mo eh. Ayaw lang kita magutom but it seems you don't want me to take good care of you so I'm sorry. Bye." Saad ni Vince at ibinaba na ang telepono kahit hindi pa sumasagot si Maia. "Kita mo tong taong to. Tatawag tapos magsusuplado. Nalaman naman niyang kakagising ko lang. Wala man lang pasintabi na ibaba na ang tawag." Naiinis na saad ni Maia. Masama ba ang nasabi ko, eh gusto ko lang naman na matulog pa. Haist.. Ako pa ang masama nito. Kainis naman. Saad ni Maia sa sarili. Bumangon na lang din si Maia para mag-ayos. Inaantay na lang din niya na makabalik ang mga magulang sa bahay nila. Nagpunta pa ang mga ito sa bahay bakasyunan nila pagka-discharge ng papa niya sa ospital. Nais muna ng mag-asawa na makalanghap ng sariwang hangin sa probinsya kaya nagpunta ang mga ito doon. Isinama dapat si Maia pero hindi na ito sumama. Gusto na muna niyang mag bonding ang mag-asawa ng sila lang. Sa makalawa pa ang balik ng kanyang magulang kaya kasambahay lang nila Maia ang kasama niya.. "Iha gising ka na pala. May nakahain ng breakfast sa mesa." "Salamat Nay Trining. Kakain na lang po ako mamaya. Nay tulungan mo na lang magluto ng bake mac. May ipagluluto lang po ako." "Sino naman anak. Si Vince ba? Nakita kong pumunta iyon ng isang araw dito. Alam ko namang paborito niya ang bake mac kaya tiyak siya ang ipagluluto mo." "Nay, manghuhula ka na pala ngayon." Natatawang saad ni Maia sa kasambahay na itinuturing na niyang nanay. "Oo naman anak. Siya lang naman ang alam ko na ipinagluluto mo eh so huwag mo ng i-deny." "Oo na Nay. I'm not gonna lie, siya po talaga ang ipagluluto ko. Tulungan mo na ako Nay. May tampo sa akin kaya baka mawala kapag natikman niya uli." "Nagkabalikan na ba kayo anak?" "Nay wala pa naman sa stage na yan kasi hindi pa ako handa naagkaroon uli ng kasintahan. Let's say I'm just being kind to him kasi mabait din siya akin. May pinagsamahan naman po kami." "Napapansin ko naman na sincere siya sa ginagawa niyang panunuyo kasi pumupunta pa siya dito. Bigyan mo siya ng chance na ipakita ang pagmamahal sayo anak. Lahat naman ng tao nagkakamali kaya sana anak lawakan mo ang pag-iisip mo." "Sana Nay ganun lang kasimple ang lahat pero I will take it slowly. Sa pagmamadali kasi doon tayo nagkakamali kaya hinay-hinay lang po muna." "Sana nga anak maging ok ang lahat. Gusto ko lang na magkaroon ka ng nobyo na magpapakita sayo na masaya ang may nagmamahal." "Naks naman si Nanay nagiging love guru na." "Gusto ko lang naman anak na maging masaya ka. Nasaktan ka man noon, hindi naman yun dahilan para pigilan mo uli ang magmahal. Sa mga pasakit na naranasan mo, meron at merong saya sa huli. Huwag matakot na sumubok uli anak ha. Andito lang naman kami para sumuporta lagi sayo." " Ang aga Nay pinapaiyak mo na ako. Samahan mo na ako magluto Nay para maihatid ko na sa susuyuin ko." " Tara na nga anak. Nagiging madrama na nga ako." Saad na lang ni Aling Trining at inakay na ang alaga sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD