KABANATA 16

1199 Words
Hindi naman gaanong traffic kaya nakarating ng maaga sila Vince sa bahay nila Maia. Pinagbuksan sila ng kasambahay nito. "Tuloy po kayo." Saad naman nito ng makapasok na ang sasakyan nila Vince sa bakuran nito. Samantala hindi maipinta ang mukha ni Maia dahil nasabihan siya ng kanyang mama na mag-ayos at darating ang pamilya nila Vince. May kaunting salo-salo sa kanilang bahay. Masyadong aligaga ang mama niya kanina sa paghanda ng mga ihahain sa dinner na kasama ang magulang ni Vince. Dumating din ang kuya Marco niya at pamilya nito kaya nagtataka ang dalaga kung ano ba talaga ang meron. Ang sagot lang naman ng mama niya sa kanya ay may salo-salo sila kasama ang pamilya ni Vince. Ipinagkibit balikat na lang niya iyon at nagprepare na lang din para sa pagtitipon. She wear a simple dress para walang masabi ang kanyang mama. Masyado pa naman itong metikulusa. She just choose a simple yet elegant cocktail dress. Napili niya ang kulay black na may slit sa gilid to emphasize her curvy body. Medyo lumabas ang cleavage niya pero hindi naman sobrang revealing. Nabiyayaan siya ng malusog na dibdib na kinaiinggitan ng mga kaklase niya ng college dati. She just fix her hair in a pony tail na nag-emphasize naman sa maliit niyang mukha. Hindi na niya kailangan ng lash extensions at ang haba ng pilikmata niya. Nilagyan na lang niya iyon ng mascara. Tiningnan na muna niya ang sarili sa salamin bago bumaba at pinatawag na siya ng mama niya. Dumating na ang pamilya ni Vince kaya sinuot na niya ang sandals na may tatlong pulgada. Pababa na siya ng mapansing inaantay siya ni Vince sa may puno ng hagdan. Nakangiti ito at ginantihan naman niya ng ngiti kahit kabado siya sa kung anong meron sa okasyon na ito. "Andito na pala ang prinsesa natin." Saad ng kanyang papa pagbaba niya ng hagdan. "For you baby." Sambit ni Vince bago binigay ang bulaklak sa kanya. Humalik pa ang lalaki pisngi kaya namula ang mukha niya lalo na't nakatingin ang lahat sa kanya. "Thank you." Nautal niyang saad kag Vince at pasimpleng siniko ito. "Baby naman, ang aga namang pananakit yan." Bulong ni Vince sa kanya. "Tse. May pahalik ka na naman." "Gusto mo ba sa lips baby. Madami kasi nakatingin kaya sa pisngi na muna." "Nag-uumpisa ka na naman." "Ang sweet nila mare no. Bagay talaga." Saad ng mama ni Maia. "Halina kayo dito at gutom na kami." Sambit naman ng papa ni Maia kaya nagmadali na si Maia na umupo at inalalayan naman ito ni Vince. Binigay na muna ni Maia sa kasambahay ang bulaklak na itinabi na lang muna. "Let's eat." Yaya ng mama ni Maia sa magulang ni Vince na pinaunlakan naman ng mga ito. "Huwag kayong mahiya mare ha." "Salamat sa pag-imbita dito sa bahay ninyo. Sa susunod sa bahay naman natin ang salo-salo." "Sige mare. We will have dinner in your house din soon." Masayang kwentuhan at asaran ang naganap sa hapag ng pamilya nila Maia. Manaka-naka ding tinanong ang dalaga na sinasagot din naman niya. Naguguluhan pa rin si Maia sa dinner nila with the family pero nakiayon na lang din siya. Pagkatapos ng salo-salo nila ay nagtipon na ang mga ito sa sala. Kwentuhan uli sila. Magkatabi sa upuan sina Vince at Maia. Hindi niya mkabawi ang kamay na hawak-hawak ni Vince dahil na rin sa nahihiya siya sa magulang nito at pati na rin sa magulang niya. "Ikaw na lalaki ka. Kanina ka pa tsansing ng tsansing sa akin." Pabulong niyang sabi kay Vince. "Baby naman. Hindi naman tsansing to. Sadyang sweet lang itong boyfriend mo." Sambit naman ni Vince na nagpaismid kay Maia nakita ng kanyang mama. "Iha mukhang inaaway mo naman si Vince." "No ma, may pinag-usapan lang kami." Depensa naman ni Maia sa sarili. "Oo nga tita. Kinukulit ko lang po siya kaya ganun." "Yun naman pala Kristina eh." Saad ng papa ni Maia dito. "Oo na Amado. Akala ko lang na inaaway ng anak natin nag kasintahan niya." "Hindi po nang-aaway si Maia tita. Ganyan lang po siya maglambing sa akin. Brutal lang po pero mahal ako nito." Saad pa ni Vince at hinalikan ang dalaga sa pisngi. Ngiti lang ang naisagot ni Maia. Kinurot naman niya ng bahagya ang binata. "What was that baby. Nakakarami ka na din ng kurot sa akin. Iniingatan ko itong balat ko baby para sa honeymoon natin kapag naghubad ako, walang marka na makikita." "As if naman maganda ang katawan mo." Pagbibiro ni Maia dito. "Baby hindi ako pwede maghubad dito para ipakita ang katawan ko. Rated SPG yun. Dapat ikaw lang makakita nito." "Tigilan mo nga ako Vince. Madami ng nakakita niyan. Huwag mo na ako isali na makakita pa niyan. Hmmph." "Ipapakita ko naman talaga to sayo baby. Wait mo lang ang araw na yun." Nakangiting saad naman ni Vince dito. Hindi malakas ang boses nilang dalawa kasi may pang-aasar ang usapan na lang dalawa ni Vince kaya nagtaka si Maia ng bigla na lang itong tumayo at hinila siya sa gitna. "Hello ladies and gentlemen. I requested this dinner kina Tito Arturo at Tita Minda para magkaroon tayo ng pagtitipon. Sa gabing ito ko naisipang magpahayag ng saloobin ko sa dalagang minamahal ko ng lubos. Salamat tito at tita for allowing me and my family to be here tonight." Kinabahan si Maia sa tinutumbok ng mga salita ni Vince kaya napadilat siya dito. "Baby I am standing in front of your family for them to know how much I love you. I love you with all of my heart. I couldn't believe that we are back together. We might have things to solve in the past but it doesn't mean I will not pursue what I will do tonight." Saad ni Vince. Nagulat si Maia ng biglang lumuhod ang binata at may dinukot sa bulsa nito. " Maia Sandoval, baby will you be with me until forever? Baby will you marry me?" Tanong ni Vince sa dalaga na medyo kinakabahan pa. Bigla na lang naiyak si Maia dahil nararamdaman niya ang sinseridad sa mga sinasabi ni Vince. "Baby don't cry." Saad pa ng binata dito na hindi pa rin tumatayo kasi hindi pa sumasagot si Maia. "Yes. I will marry you Vince." Sagot ni Maia na naging hudyat sa binata na isuot ang singsing dito na isang Princess cut diamond na sukat na sukat sa daliri ng dalaga. Tumayo na si Vince at hinalikan ang dalaga sa labi nito at niyakap ng mahigpit. "Thank you baby. You made me the happiest man on heart. I love you so much." "I love you too." Sagot naman ni Maia na nagpaiyak kay Vince. Pinunasan ni Maia ang luha ng binata. "Really baby. Oh. I am super happy." Saad nito sa dalaga at pinugpog ito ng halik. "Iho huwag mo naman sakmalin agad ang anak ko. Wala pa ang honeymoon." Sambit ng papa ni Maia na nagpatawa sa lahat. "Sorry tito. Na carried away lang." "Papa na iho ang itawag mo sa akin. Welcome to the family." Saad nito kay Vince at yumakap na dito. "Thanks pa." Sagot naman ni Vince. Nagyakapan na ang lahat at binati ang newly engaged couple.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD