KABANATA 12

1059 Words
Kinabukasan dumating na ang mga magulang ni Maia galing sa probinsya kung saan nagbakasyon ang mga ito ng ilang araw. "Pa ma, andito na pala kayo." Bungad ng dalaga sa mga magulang. "Ayaw pa nga sana namin bumalik anak kaso nagpumilit ang papa mo at may usapan sila ni Vince ma makikita. Pinapupunta na lang niya dito sa bahay para dito na lang sila mag-uusap. Sumang-ayon naman si Vince kaya nagpahanda na ako ng tanghalian. Magpapahinga lang muna ang papa mo habang inaantay ang kasintahan mo." " Ma, alam mo na din?" " Oo naman anak. Si Vince ang nagsabi na nagkabalikan na kayo. May iba pa daw siyang sasabihin mamaya kaya din niya gustong makausap ang papa mo. Maiwan ka na muna namin at pagod kami sa byahe." " Sige ma. Take your time." Umakyat na muna ang mag-asawa sa kwarto ng mga ito kaya naiwan si Maia na naiinis kay Vince. Pinapangunhan na naman siya ng lalaki. Tumunog ang telepono ni Maia kaya tumigil ang pagmumuni-muni niya. "Hello," sagot niya sa tumawag na hindi man lang tiningnan sino ang caller nito. "Hi baby. I am on my way there. I miss you." "Bilisan mo at mag-uusap mo na tayo." Sagot niya sa binata at ibinaba agad ang telepono na hindi man lang inantay ang sagot nito. Naguguluhan na naman si Vince sa inaasal ni Maia. Akala niya ok na sila ng babae dahil ipinagluto pa siya nito ng isang araw na nagtatampo siya. Bigla na naman nag-iba ang timpla nito. "Hayyy mga babae nga naman." Saad na lang niya sa isip. May tumatawag sa telepono ni Vince kaya sinagot niya ito. Nakita niyang si Tristan ito. Isa sa mga kaibigan niya. "Yes pare. Kamusta?" Tanong niya dito. "Ikaw ang kamusta pare. Hindi ka na naman nakakasama lately ah. Masyado ka na ata busy sa kung ano mang pinagkakaabalahan mo. Hindi ka na namin mahagilap. Hinahanap ka na sa amin ng mga chika babes mo sa bar kapag napupunta kami doon." "I'm just busy man. I'm pursuing Maia again." Sagot niya dito at wala ng makuhang reaction sa kausap. "Are you still there pare?" Tanong ni Vince sa kabilang linya. "Yes pare. Nagulat lang ako kasi alam ko masyado kang nasaktan sa pag-iwan niya sayo. Natatandaan ko pa nung lasing ka na pagbabayarin mo siya sa ginawa niya sayong paglayo. Ano na ang nangyari pare. Parang nag-iba ata ang ihip ng hangin. Namimiss ka na ng mga umaaligid sayo pare. Kaya naman pala hindi ka na namin nakakasama bumalik ka na sa babaeng nananakit sayo." "Hindi ko alam dude. Naguguluhan din ako sa sarili ko. Gusto kong maghiganti sa ginawa niyang pag-iwan sa akin sa ire pero at the same time I wanna be with her. I'm just weighing everything. Gusto ko ba siyang paghigantihan o talagang mahal ko siya at gusto ko ng makasama sa buhay." "Ang lalim nun pre ha pero we will just support you. Ikaw lang din naman makakasagot sa mga tanong mo na yan. Basta alam mong masaya ka then pursue her again. Alamin mo na din kung bakit iniwan ka niya dati. In that case alam mo na siguro ang tamang gawin kung sakali. Sige na pre I have to go. May lakad ang barkada. It seems hindi ka na naman makakasama. Kita na lang tayo some other time." "Sige dude. Ikamusta mo lang ako sa kanila." Saad na lang ni Vince at ibinaba na ang aparato. Naguguluhan din naman talaga si Vince sa mga nangyayari sa kanya. Gusto niyang malaman sa dalaga ang dahilan kung bakit iniwan siya nito ng wala man lang dahilan. Nagtataka din siya sa sakit na nakikita niya sa mga mata nito whenever magkasama kita. "Ano ba talaga ang nangyari Maia. Ako ba ang may kasalanan sa lahat ng ito. I intend to know the truth. Gusto kitang pagbayarin sa pag-iwan mo sa akin pero gusto naman kitang makasama araw-araw. Hindi Bale, malapit na din naman ang araw na makasama na kita sa bahay. Hindi ako makakapayag na hindi malaman ang dahilan ng nangyari sa atin even if it will hurt me." Saad na lang niya sa sarili habang binabagtas ang daan papunta sa bahay ni Maia. Pagdating ni Vince sa bahay ng dalaga, sinalubong siya ng mama nito. " Tita, kamusta po?" Bungad niya sa ginang. " Mabuti naman iho. Lalo kang gumagwapo." " Si tita talaga hindi nagsisinungaling." Pagsasakay naman ni Vince. Nakangiti namang lumapit ang ginang sa binata at nakipagbeso dito. "Pumasok na tayo iho. Nag-aantay na sila sa atin sa komedor." Pagpasok nila sa bahay dumeretso na din sila sa komedor. "Hello po tito. Hi baby." Bati ni Vince sa papa ni Maia at kay Maia na din. Nakita niyang napaismid ang dalaga at natutuwa siyang nagsusuplada na naman ito. Mukhang wala sa mood. "Mabuti na iho. Maupo ka na. Kumain na muna tayo." "Salamat po tito. Mukhang masarap po lahat ng pagkain." "Oo naman iho. Masarap magluto ang kusinera namin. Kung hindi lang sana ako ang nag-aalaga dito sa tito Arturo mo ako sana ang magluluto kaso kailangan kong alagaan ang mahal ko." "Ang sweet mo naman tita. Sana manahin ng ank mo kahit kaunti." Nakangising saad ni Vince na kinataas naman ng kilay ni Maia. Pasimple niyang kinurot at binulungan ang binata. "Parang sinisiraan mo na ako sa magulang ko lalaki ka. Humanda ka sa akin mamaya." Saad niya dito. "Baby naman nagbibiro lang ako." Sagot naman ni Vince dito. "Tse." Tanging sagot lang ni Maia. "Ang sweet naman ninyong dalawa. Para tuloy naalala ko ang kabataan natin Arturo." Nakangiting sambit ni Minda. "Naku Minda, dinaan mo lang ako sa pagpapacute mo kaya nahulog ako." "If I know Arturo may HD ka naman sa akin kaya nagagalit ka kapag may mga umaaligid sa akin." "Oo na. Ang ganda mo naman talaga kasi." Nakangiting saad ni Arturo at tumingin pa sa asawa ng may paghanga. "Ang cheesy nyo naman pa ma. Kain na tayo at gutom lang po yan." "Alam ko naman na nararamdaman mo din kay Vince yan iha, hindi mo lang maamin." "Oo nga tita. Pakipot pa po eh alam ko naman na mahal ako." Pagsasakay ni Vince sa mama ni Maia. "Kumain na po tayo. Baka kung saan pa mapunta ang usapan." Sambit ni Maia at pinandilatan si Vince na kumindat naman sa kanya kaya nagrigodon ang kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD