Kinabukasan nagulat si Maia sa katok ng kasambahay sa kanyang kwarto.
"Ma'am may bisita po kayo."
"Manang ang aga naman ng bisita ko." Sagot ng dalaga na pupungas-pungas.
Binuksan ng bahagya ni Maia ang pinto at pumasok naman ang kasambahay na si Lenny.
"Manang Lenny, kilala nyo po ba kung sino ang bisita ko."
"Hindi po ma'am, pero ang gwapo po niya. Hindi ko lang po maalala kung nakapunta na siya dito matagal na."
"Sino naman kaya yun. Sige manang, mag-aayos lang po ako at babain ko na po ang istorbong yun sa tulog ko. Salamat manang."
"Walang anuman ma'am. Baba na po ako." Paalam naman ng kasambahay sa dalaga.
Naligo na lang si Maia bago bumaba sa sala.
"Hi baby. I'm sorry to disturb you this early."
"Ikaw pala ang bisita ko. Sana hindi na lang ako bumaba." Pasupladang bungad ni Maia dito.
"Graveh namang pambungad yan baby. Sana kiss na lang para gumanda ang araw ko."
"Kiss mo mukha mo. Ano ba ipinunta mo dito. Ang aga-aga nambubulahaw ka. Wala ka na bang magandang gawin kundi ang mangulit."
"Baby naman eh. My parents wants to see you kasi nasabi ko na sa kanila na nagkabalikan na tayo. Alam naman nila ang past natin so masaya sila na OK na ulit tayo."
"Just remember Vince, kasunduan lang kung bakit tayo ganito so huwag kang epal."
"Baby naman ang sakit mo namang magsalita."
"Tsaka dalawang araw ang binigay mong palugit. Bukas pa yung dapat na sagot ko. Tapos heto ka na naman nangungulit."
"I can't help it baby. Excited na kasi ako na makasama ka kaya pagbigyan mo na ako. Kahit lunch lang sa bahay. Nakapaghanda na sila so wala ka ng kawala."
"Ano pa nga bang magagawa ko. Miss ko na din ang mama mo."
"Yes. Thanks baby," Saad ni Vince at niyakap pa si Maia.
"Ang bango mo talaga baby."
"Hep Hep.. Masyado kang malapit. Bukas pa ang sagot ko kaya huwag ka muna makayakap-yakap sa akin. Off limits ka muna. Behave."
"Oo na.. Sorry na baby. I just can't help it. I miss you so bad." Saad naman ni Vince.
"As if totoo naman ang sinasabi ng mokong na to." Piping sambit ni Maia sa sarili.
"O anu pang inaantay mo. Umuwi ka na. Alam ko naman ang bahay ninyo. I can go there by myself."
"Baby naman kung palayasin mo naman ako sa bahay ninyo. Pwedeng makikain muna. Hindi pa kasi ako nag-aalmusal."
"So kasalanan ko pang hindi ka pa kumakain. Eh ikaw tong nambubulahaw ng tulog."
"Sorry na uli baby. Gusto lang kitang makita pagising mo kaya pumunta agad ako ng maaga."
"Whatever. Tara na at gutom din ako. Baka mahimatay ka sa gutom diyan kasalanan ko pa."
Ngiti na lang ang sinagot ni Vince at umakbay kay Maia.
"Ooppps. Yung kamay mo." Palag nito sa pag-akbay ni Maia.
"Akbay lang naman baby. Wala pa ito sa kaya kong gawin." Kindat pa nito sa dalaga.
"Tumahimik ka na nga Vince. Pinapasakit mo lalo ang ulo ko."
"Sorry baby." Pagpapacute na lang ni Vince na lihim namang nagpakilig sa dalaga.
Pinaghila pa ni Vince ng upuan si Maia na siyang lihim na kinatuwa ng dalaga.
"Gentleman ka pala." Saad ni Maia dito.
"Dati pa naman baby ah."
"Sige na nga. Kain na tayo para makauwi ka na din."
"Nagmamadali ka namang pauwiin ako. Ganun ka na ba talaga kasawa sa pagmumukha ko?" Malungkot na saad ng binata na kina-guilty naman naman ni Maia.
Hindi na lang umimik ang dalaga kasi naisip niyang sumusobra na siya sa pinapakitang kagaspangan kay Vince.
Pinagsandok naman siya ni Vince ng pagkain na siyang dati pa naman niyang ginagawa ng sila pa.
"Salamat." Kiming sambit na lang ng dalaga.
"Hayaan mo pagkatapos niyo uuwi na ako. Aantayin na lang kita sa bahay."
Lalong naguilty si Maia dahil hindi na umiimik ang binata at mukhang nagmamadali din ng pagkain.
"Tapos ka na agad." Saad niya dito ng akmang tatayo na.
"Diba ito naman ang gusto mo. Ang umalis na ako. Para akong may nakakahawang sakit kong ituring mo eh. Ang gusto ko lang naman makasama ka."
Yumuko na si Maia sa sinabi ni Vince. Nasaktan din siya sa ginawa niya.
"Sorry. Saad niya dito."
"Aalis na ako. Aantayin na lang kita sa bahay." Sagot ng binata at lumapit kay Maia para halikan ang noo nito.
Hinatid na lang ng tingin ng dalaga ang binata na lulugo-lugong lumabas ng bahay nila.
Naiinis man si Vince kay Maia pero hindi niya magawang magalit ng tuluyan dito. Gusto niyang bumalik ang dati nilang samahan kaya sobra siyang nasasabik lagi na makita ito at gusto na niya itong makasama sa bahay araw-araw. Alam niyang may mali din siya ng maghiwalay sila pero alam niyang pareho silang may kasalanan kung bakit nagkaroon ng lamat ang maganda nilang samahan.
Sisiguruhin niyang magiging maayos uli ang relasyon nila ng dalaga kahit na hindi na ito tinatablan ng mga ginagawa niya. Gagawin niya ang lahat para sumaya uli ang mundo niya. Si Maia ang mundo niya at alam niyang sa kanya lang siya sasaya.
Hindi alam ni Maia paano humingi ng sorry kay Vince dahil alam niyang nagtampo talaga ito sa kanya. Sinisi niya tuloy ang sarili sa pagiging taklesa.
Naligo na si Maia para makapunta na sa bahay nila Vince. Inimbitahan siya ng magulang ng lalaki. Ayaw man niyang pumunta pero nahiya na siyang tumanggi sa paanyaya ng mga magulang ni Vince. Naging mabuti sa kanya ang mga ito ng may relasyon pa sila ni Vince kaya pupunta siya para na rin makamusta na din sila.
Pumili ng simpleng bestida ang dalaga na lalong nagpatingkad ng kanyang kaputian. Hapit din sa katawan ang damit pero hindi naman bastos tingnan. Nag-apply na lang siya ng light make-up para hindi naman siya maputla.
Tumingin pa sa salamin ang dalaga, ng masigurong pasado na sa kanya ang kabuuan niya ay nagpaalam na siya sa kasambahay. Sa isang araw pa ang uwi ng papa niya kaya tumawag na lang siya para magpaalam na pupunta siya sa bahay nila Vince at naimbitahan siya ng mga magulang nito.
Habang daan, nag-iisip na si Maia ng paraan para mawala ang tampo ni Vince sa kanya. Alam niyang mali ang ginawa niya at gusto niyang bumawi dito. Naisip niyang bilhan ng cassava cake ang binata dahil isa iyon sa mga paborito nito.