Halos hindi na makahinga sa kabusugan si Maia ng maubos nila ang pagkain. Nasimut talaga nilang dalawa ang pagkain.
"Baby we need to exercise tomorrow. Tingnan mo naman ang kinain natin. Parang hindi na natin tinantanan ang pagkain hanggat hindi natin naubos eh."
Sambit ni Vince na hinimas ang tiyan.
"Baby kahit naman madami ang kainin natin ang macho ko rin naman. Mabuti nga yan para wala na akong kaagaw."
Napansin kasi ni Maia kanina na pagpasok nila sa resto napapatingin ang mga babae kay Vince kaya ginagap niya talaga ang kamay ng nobyo.
"Parang nagseselos ata ang girlfriend ko sa mga babae na tumitingin sa akin kanina ah." Pambubuking ni Vince sa kasintahan.
"Ang sarap kasing tusukin ang mga mata. Nakita na nga nilang kasama mo ako kung makatingin pa rin hinuhubaran ka na." Nakaingos na sambit ni Maia.
"Baby you are so cute. Alam mo naman na sayo lang ako diba. Sayo nga din kanina may mga gusto din akong balibagin palabas dahil makatingin din sila sayo akala mo naman wala kang kasintahan na kasama. Parang gusto ko na ngang i-anounce kanina na mapapangasawa na kita para tigilan na nila ang pagsulyap sayo eh."
"Asus ito namang baby ko oh. Ang gwapo mo magselos baby." Sambit na lang ni Maia at nginitian ng ubod tamis ang nobyo.
Nag bill out na ang magkasintahan at naisipang maglakad-lakad para magpatunaw ng kinain. Nag pakuha ng litrato si Maia kay Vince sa magagandang scenery sa resort.
May mga pinasuyuan din silang staff ng hotel na kuhanan sila ng picture na magkasama silang dalawa.
Nagyaya ng bumalik sa villa si Maia ng naramdaman na niya ang antok.
"Baby balik na tayo sa villa. I just wanna rest before tayo maligo mamaya."
"Sure baby. Ako nga din gusto ko ng maligo muna. Ano na lang Kung ikaw lang ang fresh."
"Ikaw baby kahit hindi maligo ang fresh mo pa ding tingnan."
"Abah marunong mambola ang mahal ko ah."
"Hindi ah. I was just saying the truth baby." Sagot naman ni Maia at kinabig na siya ni Vince habang naglalakad sila pabalik ng villa.
May nadaan silang coffee shop at nagcrave si Maia sa frappe kaya bumili muna sila bago tuluyang bumalik sa villa.
Naligo na muna si Vince habang si Maia ay nagpalit lang ng t-shirt na maluwag at maiksing short bago. Nahiga sa kama.
Paglabas ni Vince ng banyo nadatnan na niyang natutulog na ang kasintahan. Nakangiti siyang pinagmasdan ito at lumapit sa dalaga para kintalan ito ng halik sa noo. Kinuha na muna niya ang laptop at nagcheck kung may bago siyang email.
Nang matapos sagutan ni Vince ang email ng isang investor na humihingi ng schedule para sa isang meeting ay pinatay na ni Vince ang laptop at tumabi na ito sa kasintahan. Niyakap na niya si Maia at kintantalan ng masuyong halik sa labi.
Napasarap ng tulog ang dalawa at nagising sila na mag alas singko na ng hapon.
"Baby hindi na tayo nakaligo." Saad ni Maia ng makitang nakatayo na si Vince sa paanan ng kama at nag stretching.
"We have all the time baby. Maganda nga at nakapagpahinga tayo. Come on labas tayo. Maganda ang sunset mamaya. May lounge chair naman sa labas. Masarap magkwentuhan sa labas." Yaya ni Vince kay Maia.
Nagdala ng kutkutin si Vince sa labas ng niyaya niya si Maia na abangan ang sunset. Nagdala din siya ng portable speaker para meron silang music habang nagkukwentuhan.
Magkawahak kamay silang lumabas at umupo na sa lounge chair at meron ding mesa doon kung saan nilagay nila ang pagkain at ang portable speaker.
"This is what I want kapag masyado ng stress ang trabaho. A relaxing way of getting away from stress." Nakapikit na saad ni Vince na parang ninanamnam ang kapayapaan ng paligid.
"Do you need a massage baby? I'm not good in massaging but I can do it. Mag kaunti naman akong nalalaman." Nakangiting sambit ni Maia ng imulat na ni Vince ang mga mata nito.
"Really baby. You wanna massage me?"
"Yes if gusto mo lang naman. Just head and shoulder. A light massage in this peaceful surrounding." Sagot naman ni Maia.
"Sure baby. I will be glad to accept the offer." Saad din ni Vince at ito mismo ang lumapit kay Maia para hindi na ito tumayo.
Mabining musika ang tumutugtog na lalong nakadagdag sa mapayapang paligid ang nagpakalma kay Vince.
Ang sarap ng hagod ng kamay mo baby. Hindi na sana ako gumastos ng mahal sa massage spa kung alam ko lang na mas magaling kang magmasahe. Sambit pa ni Vince sa kasintahan.
"Aba at pumupunta ka pala doon ha. Baka naman may extra service pa yan ha baby. Naku talaga."
"Hindi baby ah. Dati pa yun nung hindi pa tayo magkakilala. Mga loko kasi barkada ko. Sinasama ako sa mga massage parlor. Iba pala ang puntirya. Well baby I am honest na walang extra service. Sayo na lang ako na mismo mag offer."
"Heh. Magtigil ka nga baby. Just relax for now. Mamaya ako naman imassage mo ha. Ang daya mo naman kapag ikaw lang ang magpapakasarap sa massage. Dapat ako rin." Sambit naman ni Maia at pinagpatuloy pa ang ginagawa.
"Your hands is so good baby. Thanks." Saad ni Vince kay Maia ng matapos na siyang masahihin ng kasintahan.
"It's my turn now baby." Nakangiting sambit ni Maia at lumipat na sa pwesto ni Vince para siya naman ang imassage nito.
"I'm not a professional baby ha kaya don't expect too much." Paalala pa ni Vince kay Maia ng simulan nito ang pagmassage sa ulo ni Maia.
"That was good baby. Hindi ka talaga marunong eh ang gaan ng kamay mo. Put more pressure baby please." Utos pa niya kay Vince na sinunod naman nito.
"That was good baby. Marami pang kasunod na session ha. Ang gaan ng kamay mo." Saad pa uli ni Maia ng matapos na ang pagmassage ni Vince sa kanya at nakahiga na sila sa lounge chair habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw habang nakikinig ng malamyos na musika.
Lumapit pa si Vince kay Maia para may litrato silang magkasama. May mga nakuha ding picute si Vince na hinahalikan niya si Maia.