ROHAN Hahakbang na sana ako papasok nang bigla na lang may babaeng nagmamadaling lumabas mula sa loob ng bahay niya. Bahagya pa nga itong bumangga sa akin dahil hindi ito tumitingin sa dinaraanan. "Sorry po," hinging paumanhin ng babae bago ako nilagpasan. "Ingat sa pag-uwi, Elize!" "You don't need to tell me!" "I'll call you when I need you!" Itinaas lang ng babae ang kanang kamay niya at nag-dirty finger nang hindi lumilingon sa direksyon ni Yllak. Ibinalik ko ang tingin sa lalaki, nakangisi siya at umiiling-iling lang habang sinusundan ito ng tingin. "Who's that girl?" "My escort girl." At niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ako. "Your escort girl?" tanong ko pa nang makapasok sa loob ng loft niya. Tumango siya. "Exclusively." Dumeretso siya sa ref ni

