PINATAWAD ni Celine ang asawa dahil mahal niya ito. Gusto niyang bigyan si Sed pagkakataon but it doesn't mean na nakalimutan na niya ang nangyari. Masakit ang dibdib niya. Masakit pa rin. Naroon sa isip niya na baka mas higit pa roon ang mangyayari sa susunod. Natatakot siyang mangyari iyon. Baka hindi niya kayanin. Itinigil niya ang pag-iisip ng negatibo. Umagang-umaga ay kung anu-ano ang naiisip niya. Sinulyapan niya si Sed na katabi niya sa higaan. Tulog pa ito. Bumangon siya ngunit muling nahiga ng maalala ang mga palitan nito ng mensahe kay Eliza. Sumimangot siya. Mabilis niyang binuksan ang mga laptop ni Sed. Nabura na nito ang mga larawan. Nakataas ang kilay na sinulayapan niya ang himbing na pagtulog ng asawa. Mabuti naman at binura mo. Pipihitin na niya ang seradura ng silid upang maghanda ng agahan ng biglang may sumagi sa isip niya. Tiningala niya ang orasan sa dingding. Quarter to six. Bumalik siya sa pagkakatalukbong at pinilit na makatulog. Bahala kang magluto ng kakainin mo. Nakakainis ka. The lovable and caring wife is gone. She knew it. Sana nga ay makalimutan niya ang nagyari dahil ayaw niyang may kinikimkim na sama ng loob.
Pagmulat niya ng mga mata ay maliwanag na ang paligid. Umaabot ang sinag ng araw sa silid. Bumangon siya at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Inilibot niya ang paningin sa loob ng silid. Wala na si Sed. Baka pumasok na ito sa trabaho. Napasulyap siya sa note na nalapag sa bedside table. Sulat kamay iyon ng asawa niya,
Good moring darl. I am sorry.
Lihim siyang natuwa ng mabasa ang nakalagay sa sulat. Alam ni Sed na masama pa rin ang loob niya. Dahil malamang ay ipaghahanda niya ito ng umagahan kung maganda na ang mood niya. But it's not. Mabilis siyang nagsuklay at bumaba ng kuwarto. Tinungo niya ang kusina para magtimpla ng kape. Hinanap niya si Sed ngunit wala na ito. Sayang. Sana ay nagka-usap sila bago ito umalis. Nasulyapan niya ang dining table. Binuksan niya ang mga natakpang pagkain. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya ng may makitang isang stemed red rose na nakalapag sa mesa. Huwag kang ngumiti. May kasalanan 'yan kaya nagiging sweet, saway ng isip niya. Ipinilig niya ang ulo. Kinuha niya ang cell phone.
Thank you for the flower Sed. Miss you.
Ngunit bago pa niya maipadala ang mensahe ay binura na niya iyon. Naglaho ang ngiti niya. Kung tatanungin nito ay sasabihin niyang nakita niya. Hindi niya kailangang sabihin rito na nagustuhan niya ang bulaklak. If he will ask for it the she will say 'The flower is nice. Thanks.'
ISANG note ang nabasa ni Celine ng buksan niya ang pinto ng silid na nasa guestroom. Sulat iyon ni Sed. Sinigurado niyang nakaalis na ito ng bahay ng buksan niya ang pinto ng silid niya. Ayaw niya itong makasalubong at maka-usap. Umalis na siya sa kuwarto nila. Magkahiwalay ang silid nila. Minsan ay hindi niya maintindihan ang sarili. Ayaw niyang may sama ng loob pero hindi niya matanggal ang hinanakit sa dibdib. Hindi naman siya nito pinigilan na lumipat ng kuwarto.
Forgive me please.
Things will never be the same again. Mula ng umuwi siya ng bahay na iyon ay nagbago na ang trato ni Celine sa asawa. Kinakausap lamang niya si Sed kapag may sasabihin ito o kung may kailangan siya. Hindi sila nag-uusap kung hindi rin lang kailangan. Ginagawa niya ang mga tungkulin niya bilang may bahay. Naglalaba siya ng damit, nagluluto ng pagkain kung nasa mood, at iba pang gawaing bahay. Nawala na ang dating masaya nilang relasyon. Pagod na siya sa pagkukunwaring matatag. Hindi naman ito nagkulang sa pamimigay sa kaniya ng kada kinsenas nitong sahod. Kapag may mga kliyente itong nakukuha online at nakakatapos ng application ay ibinibigay nito sa kanya ang buong kita nito sa pagiging freelancer. Pinulot niya ang note at itinago sa mga drawer.
Bahagya siyang nabigla ng makita niyang nakaupo si Sed sa sofa sa living room. Nakabihis na ito. Mabilis itong tumayo ng makita siyang pababa ng hagdan. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Sed. Atubiling ngumiti siya at lumapit rito. Tumigil siya ng magkaharap na sila. Napadako ang tingin niya sa hawak nitong puting sobre.
"Ito 'yong sweldo ko, darl. Katatanggap ko lang kahapon," ani Sed at iniabot ang sobre sa kanya.
Kinuha niya iyon. "Salamat. Akala ko ay umalis ka na. Hindi ka pa ba nahuli?"
"Hindi. Maaga pa. Hinihintay talaga kita."
Yumuko siya upang tingnan ang sobre nang muling magsalita si Sed. "Yan yung kinita ko sa paggawa ng mobile app ng kliyenteng nagmamay-ari ng grocery shop. Sige. Mauuna na ako."
Tumango siya at nagsimula ng humakbang palabas ng bahay si Sed ng tawagin niya ito. "Mag-ingat ka, darl."
Makahulugang ngumiti ito. "Salamat, darling."
NAGING very civil ang pakikitungo ni Celine kay Sed sa mga sumunod na araw. Maging si Celine ay hindi na maintindihan ang sarili. Hindi naman siya ganoon. Kapag may sama ng loob siya sa asawa ay agad niyang napapatawad ito kapag nag-sorry dahil ayaw niyang may sama ng loob sa dibdib. Masayahin siya at ayaw niyang may kalungkutang nakabaon sa dibdib niya.
Magkasalo silang kumakain tuwing agahan. Nakokonsensya siyang hindi ipaghanda ng agahan ang asawa dahil hindi naman ito nakakalimot na mag-entrego ng pera sa kanya. He's doing his responsibility so should she. Kaya araw-araw siyang gumigising ng maaga para makapag-agahan ito bago umalis. Ngunit kapag sumapit ang gabi ay nauuna na siyang kumakain. Hindi na niya ito hinihintay. Nauuna na siyang kumakain bago pumapanhik sa sariling silid. Iniiwanan na lamang niya ito ng pagkain sa sandaling makauwi na ito galing trabaho. Kung alam man ni Sed ang pagiging moody niya ay hindi ito umiimik. Siguro ay hahayaan siya nitong lumamig ang ulo nang sa gayon ay bumalik sila sa dati.
Nagmamadali siyang bumangon kanina para makapaghanda ng agahan dahil na-late siya ng gising kaya hindi niya napansin ang isang note na nakadikit sa likod ng pinto ng kuwarto niya. Nakaalis na si Sed. Nakapaghugas na rin siya ng pinagkainan nila. Hindi lang iisa ang nakadikit. There are five notes na marahil ay idinidikit nito every morning na ngayon lang niya napansin.
What do you like me to do?
Darling forgive me please.
I miss you.
I miss you so more today.
Hope we'll get back the way we used to be.
"I missed you too, Sed. I miss you a lot. Pasensya ka na sa akin. Minsan, pakiramdam ko ay ay nag-ooveract na ako," aniya habang paulit-ulit na binabasa ang mga mensahe na nakasulat sa note. Maybe they need to talk. Para makawala na ang mga hinanakit niya. Nami-miss na rin niya ang asawa. Hihintayin niya ang pagdating ni Sed para makasalo niya ito sa hapunan at ng makapag-usap sila.
ILANG beses na tinanong ni Sed kay Jerry ang ipinapagawa ng boss nila. Umalis si Albert at ipinagbilin kay Jerry ang mga dapat niyang gawin. Pakiramdam niya ay naiinis na si Jerry dahil sa ilang beses niyang pagtatanong. Hindi siya maka-concentrate sa ginagawa. Kanina pa niya tinititigan ang computer niya. Mag-aalas dyes na ngunit wala siyang nasisimulan. Huminga siya ng malalim.
Malungkot na umalis siya ng bahay para magtungo sa opisina. Napakalamig ng pakikitungo ni Celine sa kanya mula ng mag-away sila. Hindi niya alam ang gagawin. Magkasama sila ngunit pakiramdam niya ay ang layo-layo ni Celine. Minsan ay gusto niyang mainis sa asawa dahil nagpaliwanag naman na siya. Ano pa ba ang dapat niyang gawin? Gayunman, patuloy siyang nang-iiwan ng mga note kay Celine dahil lagi itong tulog kapag dumarating siya ng bahay sa gabi. Hindi siya makauwi ng maaga dahil lagi siyang may over time at mas matagal siyang nakakatapos ng mga projects ngayon. Kapag umaga naman ay nagmamadali siya sa pagpasok sa opisina. Wala silang panahon para makapag-usap. He misses her wife. He misses her smiles and laughs. Tuwing dumarating siya sa bahay galing sa trabaho ay inasam niyang makita si Celine na nanonood ng telebisyon at hinihintay siya. Ngunit twina'y malungkot na namamahinga siya sa sofa pagkagaling sa trabaho. Mag-isa siyang kumakain ng hapunan na hindi naman nakakalimutang ihanda ng asawa niya. Bago matulog ay pumapanhik siya sa guestroom upang silipin ang asawa. Gusto niya itong yakapin at halikan ngunit paano niya gagawin iyon kung malayo ang loob ng asawa niya sa kanya? Natigil siya pag-iisip ng mapansin ang kamay ni Jerry na gumagalaw sa harap ng mukha niya. Nagtatakang tiningnan niya ang kaibigan. "Bakit?"
"Kanina ka pa nakatitig sa desktop mo, wala ka namang nagagawa. Hindi mo pa nasisimulan. May problema ka ba?" Tanong ni Jerry.
"Wala," aniya.
Pumalatak so Jerry. "Parang hindi naman kita kilala, pare. Natapos mo na ba ang ipinapagawa ni boss?"
"Hindi."
Sumuyap si Jerry sa wristwatch. "Ilang minuto na lang ay magla-lunch break na. Kaya mo pa bang magtrabaho? Umuwi ka na kaya."
Napa-isip siya. Kung uuwi siya ngayon ay makaka-usap niya ang asawa niya. Napatingin siya kay Jerry ng muli itong magsalita. "Ako na ang bahalang magpaliwanag kay boss." Tinapik ni Jerry ang balikat niya bago bumalik sa sariling pwesto.
Pagpatak ng alas dose ay mabilis siyang umalis ng opisina. Mag-a-undertime siya at uuwi ng bahay upang maka-usap ang asawa. Naabutan niya ng asawa na nagluluto ng ulam. Kumalam ang sikmura niya ng malanghap ang mabangong aroma ng pinakbet. Nasasanay na itong magluto. Masuyong niyakap niya ito ng mahigpit. "Darl, I miss you." Inamoy nito ang buhok niya at hinalikan. "Miss ko na 'yong dating ikaw. 'Yong dating tayo."
Sandali itong nagulat. Hindi nito tinanggal ang mga bisig niyang nakayakap rito.
"Bakit ang aga mong dumating? Hindi ka na ba papasok sa opisina?"
"Hindi na, darl, para makapag-usap tayo. Nagtatampo ka pa rin ba?"
Tinakpan ni Celine ang nilulutong ulam at hinarap siya. "Hindi na. I miss you too."
"Balak ko sana mamasyal kina mama ngayon hapon," paalam ni Celine kay Sed habang masaya silang kumakain ng pananghalian.
"Iiwan mo ako dito?" Tanong ni Sed.
Umiling si Celine. "Hindi. Akala ko ay babalik ka sa opisina? Nasabi mong may ipinapatapos sa 'yo ang boss mo."
Nilunok niya ang pagkain. "Oo nga. Hindi ko pa nasisimulan."
"Maaga pa naman. Pagkatapos nating kumain ay ihatid mo na lang ako kila mama and then saka ka bumalik ng opisina," udyok ni Celine.
He agreed. He knew they are both happy now.
"ANAK, hindi ka pa ba nadadatnan ng dalaw?"
Napaisip si Celine. Marahil ay napapansin ng ina niya ang pagiging matamlay niya. Naroon siya sa bahay ng mga magulang dahil inihatid siya ni Sed. Gusto niyang makita at makausap ang ina niya. Nami-miss rin niya ang bahay nila. Matapos ang ilang kumustahan sa pagitan ng nanay niya at ni Sed ay umalis na ang asawa niya upang bumalik sa trabaho. Napalingon siya sa nakasabit na kalendaryo sa dingding. Kinse na ngayon. Imposible. Pero regular ang menstration niya. Dapat ay noong osto pa siya dinatnan. Posible kayang? Pwede namang na-delay lang? Sa dami ng iniisip niya ay nakalimutan na niyang pagtuunan ng pansin ang sarili. "Wala pa po."
"Baka buntis ka, anak?" Her mom asked worriedly.
Kaya ba kakaiba ang pakiramdam niya nitong mga nakaraang araw? Kaya ba naiinis siya kay Sed? Hindi na lang siya ang may speculation. Maging ang nanay niya ay ganoon din ang kutob. Hindi siya umimik.
"Bibili ako ng pregnancy test sa botika para malaman natin. Bumalik ka na sa dati mong kuwarto para makapagpahinga ka. Malinis naman iyon. Huwag ka munang nag-iisip. Kung buntis ka nga'y kailangan mo ng pahinga. Baka makasama sa bata kung lagi kang nalulumbay."
Tumayo siya at sinunod ang payo ng ina. "Sig,e 'ma. Matutulog po muna ako."
Tumango ang ina niya. "Sige, anak."
PATAKBONG nagtungo sa banyo ng dating silid si Celine. Kanina pa niya hindi maintindihan ang nararamdaman. Sumasakit ang ulo niya pagkagising niya. Akala niya ay magiging magaan ang pakiramdam niya kapag nakapagpahinga siya pero sumasakit pati balakang at bewang niya. Baka nga tama ang hinala ng nanay niya buntis siya. Matutuwa ang mga magulang nilang mag-asawa dahil sa wakas ay magkakaroon na ang mga ito ng apo. Hinaplos niya ang impis na tiyan.
Pagbaba niya mula sa silid ay sinalubong siya ng ina. Tinimplahan siya nito ng gatas.
"Nakabili na ako ng PT. Kumusta ang pakiramdam mo?" May bahagyang pag-aalala ang tinig ng kanyang ina.
Naupo siya sa gilid ng sofa. Sumimangot siya. "I am not feeling well, ma. Masakit pa rin ang ulo ko."
"Ubusin mo na 'yan and then take the test. Kapag positive ay tutungo tayo sa obgyne para matingnan ka."
"Sige po, mama."
Matapos ubusin ang gatas ay agad siyang nagtungo sa banyo. May galak siyang naramdaman sa isiping baka buntis siya. Ibibigay niya sa ina ang pregnancy test para ito ang magbalita sa kanya. Nakita niya itong naghihintay sa kanya sa dining room habang umiinom ng kape.
Yumuko ang ina at binasa ang ipinapahiwatig ng pregnancy test. "Two red lines! Positive!" Excited na bulalas ng ina niya. Napakalaki ng ngiti nito. Niyakap niya ang ina. Gumanti ng yakap ang ginang.
"I am going to be a mommy now, mom," punong-puno ng emosyong sabi niya. Walang pagsidlan ang galak na nararamdamn niya sa dibdib. Naalala niya ang asawa. Siguradong matutuwa si Sed sa sandaling malaman nito na buntis siya. Oh, she can't wait to be called mommy! And how about mommy Sonia? She'll be very excited like mom! Napahagikgik siya ng maglaro sa kanyang imahinasyon ang mga reaksyon ng pamilya.
"Anong two red lines ang naririnig ko?" Tanong ng ama niya na bumungad galing sa living room. Nakasunod ang kapatid niyang si Rob na nakakunot ang noo.
Naghiwalay sila ng yakap ng ina.
"A new baby is coming, Rafael. Our daughter is pregnant!" Masayang balita ng nanay niya. Abot hanggang tainga ang mga ngiti nito.
Bahagyang nagulat ang kanyang ama na kagdaka'y ngumiti. Ngumiti rin si Rob at narinig niya ang sinabi nito.
"Yes. I am no longer the baby in the house! Can't wait! I am free," wika ni Rob. Tinaas pa nito ang dalawang kamay sa ere.
Kunwa'y sinimangutan niya ang kapatid sa sinabi nito. Ang ina niya ay muling nagsalita. Umiling ito. "Oh no, darling. You are always be our baby boy. Always remember to go home early after school. Now, hug your sister and be happy for her."
Rob hugged him. And so her daddy. They hug one another. A group hug for the new member of the family.
MAKAHULUGAN ang ngiti ang gumuhit sa mga labi ng doktor. "Congratulations, misis Aguirre. You're two weeks pregnant."
Nakapasaya niya ng pormal na marinig ang sinabi ng doktor. Matapos ang ilang mga bilin ay pinauwi na sila. Maraming mga bilin ang doktor. Maging ang ina niya ay marami ring ipinagbibilin sa kanya.
"Ma, huwag niyo ho munang ipagsasabi kila mommy Sonia. Kasi baka sabihin po nila sa kay Sed. Balak ko po sanang sorpresahin siya," wika ni Celine sa ina habang naglalakad sila paalis ng ospital.
"Sige. Ikaw ang bahala."
"Salamat, ma."
Bago makauwi ng bahay ay ipinamili siya ng ina ng maternity dresses. Mas excited pa ito kaysa sa kanya. Sinundo siya ni Sed bandang alas -syete ng gabi. Kumain muna sila sa bahay ng mga magulang niya bago sila umuwi.