DIANA POINT OF VIEW Na-postpone lang ng isang araw ang honeymoon namin ni Phillip pero natuloy din nang matapos ang usapan tungkol kay Harry. Nandito na kami ngayon sa malapit na hotel sa Disneyland. Para na ngang hindi ito honeymoon dahil may dalawa na kaming anak na bitbit. Isang linggo kami dito para mas ma-enjoy ni Philie. Katulad ng dati, bumili kami ng pare-parehas na damit at supil bago pumasok sa loob. Manghang-mangha siya sa mga nakikita niya. Aya siya ng aya kung saan-saan at laging nakanganga sa sobrang pagkamangha. "Ayos pa ba 'yung anak natin?" natatawang tanong ni Phillip. "Mommy, si Peter Pan!" matinis niyang sigaw na nagpalayo sa amin. Tumakbo siya doon na mabilis kong hinabol. "Hi!" tuwang-tuwa niyang bati. "Hello," mabait namang bati sa kanya ni Peter Pan. Lumapit
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


