DIANA POINT OF VIEW "Anong sa tingin niyo?" tanong ko kina Jen, Ella at Cindy nang lumabas ako galing sa fitting room. "Mas maganda 'tong isa," payo ni Jen. "Eto kaya?" Inabutan ako ni Cindy ng isa pang gown at pinapasok ulit sa loob. Kanina pa ko nagsusukat pero wala talaga kong magandahan. Gusto ko kasi ay 'yong fitted ang design. Ayoko ng masyadong magarbo sa gown basta 'yong sexy lang tingnan ayos na. "Ayos na ba?" Pagpapakita ko sa kanila. "Ayos naman siya kaso lang baka pagalitan ako ni Phillip dito." Sinalat ko ang dibdib ko na medyo kita sa itaas. Tinawanan naman nila ko at nag-isip pa. "Bakit hindi ka na lang magpasadya? May kilala kong magaling na designer." Inikutan ako ni Ella at dismayado rin sa damit kong suot. "Couz, two months pa naman before your wedding. Pwede ka p

