PHIL POINT OF VIEW "Daddy, wala pa rin si Mommy?" tanong niya habang nagkukusot ng mga mata. Tinakpan ko agad ng braso ko ang mga mata ko para hindi niya makita ulit ang pag-iyak ko. Kunyari ay tulog pa ko. "Daddy," bulong niya at pilit na tinanggal ang braso ko. "Umiiyak ka na naman po? Iyakin kayo ni Mommy." Bumusangot siya at humalukipkip. "H-hindi ako umiiyak," garalgal kong sagot kaya mabilis akong tumikhim. Umupo ako at nginitian siya. "Hindi umiiyak si Daddy. Nagugutom ka na ba?" "Sa labas po ba tayo ulit kakain?" "Magluluto ako—" Napahinto ako nang pigilan niya ko. Nakatayo siyang nagpamewang sa harapan ko habang umiiling na parang matanda. "Daddy, sa labas na lang tayo kumain. 'Di naman na po ikaw masarap magluto. Laging kulay itim." "Hindi na?" Natawa ko at muling nagpuna

