DIANA POINT OF VIEW "Ms. Diana, bagay na bagay sa'yo ang design na 'to." "Pero..." "Siguradong magugustuhan din 'to ni Sir Phillip," sabat niya lagi sa sasabihin ko. Napapikit ako nang madiin at muling nagtimpi. Tumingin sa akin si Philie na mukhang nararamdaman ang pagkapikon ko. Kanina pa kasi siya salita nang salita at daig niya pa siya ang ikakasal kung makapili. Hindi naman sa ayoko ng mga pinapakita niya pero hindi kasi ako makapili nang maayos. Kapag may itinuturo akong design sasabihin niyang hindi 'yon bagay sa akin. Paano ang gusto niya? Siya ang masusunod? "Ang pangit naman po niyan." Napatingin kaming dalawa kay Philie. Masungit niyang tinignan ang anak ko at pekeng ngumiti ulit nang tingnan ko rin siya nang masama. "Marami pa naman po akong designs dito." Binuklat niya u

