DIANA POINT OF VIEW "Ayos ka lang ba? Napapansin kong lagi kang nagigising ng madaling araw," umuupong tanong ni Phillip. Pumikit ako sandali at mabigat na bumuga ng hangin. "Minsan kasi kapag pumipikit ako. Naaalala ko si Ivan. Kung paano niya ko niligtas noong araw na 'yon." Humarap ako sa kanya saka napangiti nang mapait. "Kahit kailan hindi ko siya nagawan ng kabutihan. Napaasa ko siya, sinaktan at ginamit pero nagawa niya pa ring iligtas ako kahit buhay niya ang kapalit." "Hindi totoo 'yan. Sigurado kong may nagawa kang kabutihan sa kanya kaya ka niya minahal." Natigilan ako sa sinabi niya. Ngumiti siya nang mapait na nagpatigil na sa akin sa pag-iisip. "Sorry, hindi ko sinasadya." "Ayos lang, hindi naman na talaga ako nagseselos sa kanya." "Sinasabi mo lang 'yan," usal ko bago

