PHIL POINT OF VIEW Nandito na kami ngayon sa isang maliit na bahay. Nakatanggap kami ng text kanina galing kay Ivan. Bahala na kung ano ang mangyayari ngayon. Basta ang nasa isip ko lang ay ang maligtas ang mag-ina ko. "Phillip." Sabay-sabay kaming napalingon sa isang kwarto. Habang papalapit, rinig na rinig namin ang pag-iyak ni Diana. Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko. Bubuksan ko na sana ang pinto pero hinawakan ni Xander ang kamay ko. Inilingan niya ko na para bang binabawalan niya kong buksan ang pinto. Tumingin ako kay John na mahigpit din ang hawak sa baril. Siya ang dahan-dahang nagbukas ng pinto at unang pumasok sa loob. Napatigil ako sa pagpasok nang mapatingin ako sa dugong umaagos sa sahig. Nanlalamig akong tumingin sa pinanggagalingan no'n at natulala kay Dia

