EPILOGUE Sobrang bilis ng nangyari, mabilisan na ikinasal kami dahil kesho lumalaki na daw ang tyan ko. Napapangiti ako sa mga naalala ko tuwing sumasagi sa isip ko na kasal na ako kay denver. Kabuwanan ko narin ngayon. Nakaupo lang ako sa tabi ni denver, nakahilig lang ako sa kanyang dibdib. Nasa ganon kaming posisyon hanggang sa maramdaman ko nalang na kumikirot na ang tyan ko. Kinurot ko bigla si denver sa tagiliran dahil sa nararamdaman ko. "Ouch! Why wife?" Tanong niya. "Mukhang manganganak na yata ako ang sakit na ng tyan ko." Naiiyak na sabi ko. Dali-dali itong kumuha ng bag na gamit ng mga baby, at lumapit ito sakin at binuhat kaagad ako. "Relax wife. Malapit na tayo." Sabi nito habang papalapit na sa entrance ng hospital. Pagkatigil ng sasakyan bumaba na kaagad si denver at

