CHAPTER 12
Abigail's POV
Malapit na ako sa gate ng bigla akong tumago dahil may bantay buti kinausap siya nung isa sa mga tauhan ni denver.
"Tara na, inuutusan tayo ni nanay baka mainip yun." Rinig ko na sabi nung tauhan.
"Sige tara wala naman sigurong lalabas ng walang paalam." Pagkasabi nung bantay umalis na sila.
Hinintay ko muna sila na makalayo bago ako pumunta ng gate. Salamat naman dahil nakalabas rin ako matapos ang paghihintay.
Tumatakbo lang ako, minsan lumilinga ako baka may nakakita sakin na kakilala ni denver.
Halatang walang masyadong dumadaan na sasakyan dito dahil exclusive village ito. Habang tumatakbo ako hindi ako nakatigil dahilan para tumilapon ako. Dahil nabangga ako nung kulay red na kotse.
Sinubukan ko na tumayo pero napadaing ako dahil sa sobrang sakit.
"Miss are you okay?" Nag-aalalang tanong nung lalake.
Dumaing lang ako bago mawalan ng malay.
Puntahan mo ako dito, Denver. I need you.