Hazel’s Pov NAKABILI na ako ng pregnancy test kaya agad akong umuwi sa unit. Kinakabahan ako lalo habang nasa banyo ako at hindi alam ang gagawin. Natatakot na talaga ako habang pinagpapawisan. Hindi ko din pinansin si Kane kanina na sinalubong ako pagdating ko at agad na dumeritso sa kwarto. Binasa ko lang kung paano gamitin ang pregnancy test at aagd na ginawa. Dalawa pa talaga ang binili ko para makasigurado ako. Pinatakan ko na ng tamang patak ang dalawang kit at hinihintay ang resulta. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Nagdarasal ako na sana negative. Hindi pa ako handa sa ganitong bagay lalo na bata pa si Kane at hindi alam ng pamilya namin ang relasyon namin. Yung kaba ko kanina ay mas lalong lumalala ng lumabas ang unang guhit. Nahigit ko yata ang

