Hazel’s Pov NGAYONG araw ay wala akong pasok dahil naghahanda ako sa pag-alis namin ni Kane. Ihahatid ko na kasi siya sa Bicol at wala parin kaming pansinan ng pamangkin ko. Galit pa din kasi siya dahil sa ginabi akong nakauwi nong isang gabi. Hindi ko na lang sinabayan ang galit niya dahil mas lalong lalaki ang away. Nag aayos ako ng dadalhin kong gamit dahil sa linggo pa ako uuwi ng Manila. Balak ko ng sabihin sa mga magulang ko ang relasyon namin ni Kane sa pag uwi namin. “Hindi mo na ako kailangan ihatid pa,” biglang saad ni Kane sa likuran ko. Tumigil ako sa ginagawa ko at humarap ako sa kanya. “Kailangan kitang ihatid, Kane, kaya wag mo na akong pigilan pa. At isa pa ay may sasabihin ako sa mama at papa ko kaya kailangan kong umuwi.” Sagot ko sa kanya saka ako umiwas ng tingin.

