Hazel’s Pov LUMABAS ako ng banyo saka napabuga ng hangin dahil nakita ako ang pamangkin ko na nakapikit ang mga mata. Hindi ko alam kung nagtutulog-tulugan ba siya o hindi. Lumapit ako sakanya saka ko siya kinalabit. Ngunit hindi naman gumalaw kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. Sabi ko sa sahig siya matutulog eh. Nakakahiya naman kung gigisingin ko siya. Hinayaan ko nalang saka ako naglakad papunta sa vanity mirror ko dahil tinignan ko ang mukha ko. Nang matapos yun ay naglakad ako papunta sa switch ng ilaw ko saka ko yun pinatay. Dahan dahan lang ako naglakad papunta sa kabilang side ng kama. Binuksan ko din ang lampshade na nasa bedside table saka ako dahan dahan na humiga sa kama. Tumingin pa talaga ako kay Kane na nakatihaya habang natutulog. Tumagilid nalang ako patalik

