CHAPTER 2
“I-ikaw?” sambit ko na ikinangiti niya lalo.
“I miss you,” Napakunot naman ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Dahil may miss miss pa siyang nalalaman.
“Anong ginagawa mo rito?” asik ko sa kanya.
“Gusto lang kitang makita.” aniya.
“Hoy! Siguro stalker kita no? at i-ikaw ba ‘yong naglalagay ng pagkain dito?” tanong ko sa kanya na ikinatango niya naman.
“At bakit mo ginagawa ‘yon? Anong akala mo sa akin walang makain.” asik ko ulit sa kanya. Pero lalo akong naiinis ng makitang tinawanan niya lang ako. Baliw talaga ‘tong lalaking ‘to.
“You know what you’re so cute when you mad.” hindi ko naman mapigilang mamula dahil sa kanyang sinabi.
“Hoy, Mr. kung inaakala mo na madadala mo ako sa mga pagkain at cute cute mong sinasabi. Mangarap ka!” asik ko pa pero napaatras ako dahil unti-unti na siyang lumapit sa akin.
“Hoy! Anong gagawin mo s-siguro may balak kang i-rape ako noh?” bigla naman siyang humalakhak dahil sa aking sinabi.
“You know what, kung may balak ako maybe ginawa ko na.” namilog naman ang aking mata dahil tama nga ako may balak nga siyang masama sa akin.
“Subukan mo lang lumapit sa akin sisigaw ako.” wika ko habang tinuturo siya.
“Why your so noise wala pa naman akong balak na masama sa ngayon.” Nginting wika niya sa akin.
“Sira!” sambit ko.
“Shh! Baka magising ang kasama mo.” sabi niya habang nasa bibig niya ang kanyang daliri.
“Wala akong paki-alam at pwede ba h’wag ka na maglagay ng pagkain dito.” asik ko sa kanya.
“Okay, basta samahan mo ako mag dinner mamaya.”aniya.
“Ano? At bakit ko naman gagawin ‘yon?” ani ko.
“Please Miles,” wika niya na ikina-bilog ng aking mata, dahil paano niya nalaman ang pangalan ko.
“By the way I’m Ranz Ramos.” pakilala niya naman sa akin.
“Wala akong paki-alam kung sino ka.” asik ko pa sa kanya.
“At pwede ba umalis ka na, dahil inaantok na ako.” Kunot noo kung sabi sa kanya.
“Okay okay basta samahan mo ako mamayang gabi ha.”aniya.
“Ayoko nga.” sambit ko.
“Kapag hindi mo ako sasamahan hindi ako uuwi.” aniya habang umupo na sa upuan.
“Oo na! umuwi ka na.” madiin kong sabi sa kanya na ikina-ngiti niya.
“Sabi mo ‘yan ha.” Tumango ako sa kanya para umalis na siya.
“Bye pretty.” Napa-iling ako dahil sa tawag niya sa akin.
Nang maka-alis na siya ay isinara ko na ang pinto at tumabi kay Darlyn na mahimbing pa rin natutulog.
KINAUMAGAHAN….
“Miles, gumising ka na baka nandyan na ‘yong naglalagay ng pagkain sa labas.” wika niya pa habang tinatapik ako.
“Hayaan mo na ‘yon.” ani ko. habang itinaas ang kumot sa aking katawan.
“Ano? Eh, samantalang kagabi gustong-gusto mo na ‘yong makita.” singhal niya naman sa akin.
“Kagabi lang ‘yon.” wika ko habang bumangon na at nag-inat ng katawan.
“Siguro nakilala mo na noh?” pinanliliitan niya naman ako ng mata kaya napa-iling ako.
“Ikaw talaga kung ano-ano pang sinasabi mo. Halika na nga.”ani ko sabay tayo sa higaan.
Pumasok na ako sa banyo at nauna ng naligo kay Darlyn. Hindi ko rin alam paano sasabihin kay tiya na aalis ako mamaya dahil sasama ako kay Ranz.
“Hmfp, mukha naman siyang mabait.” ani ko sa sarili.
Pagsapit ng gabi ay nakita ko na siya sa labas ng tindahan na naka-upo kaya bigla akong kinabahan dahil baka hindi ako payagan ni tiya kapag magpaalam ako sa kanya mamaya.
“Miles tingnan mo si sir Ranz, kanina pa siya riyan.” Tiningnan ko naman siya at nagka salubong naman an gaming mga mata at
“B-baka m-may hinintay.” ani ko. habang kinakabahan, dahil baka pagalitan ako ni tiya kapag sinabi kong sasama ako kay Ranz.
“Oh, magligpit na kayo para makauwi na tayo.” wika ni tiya habang papasok ito sa loob.
“Tiya, pwede po ba akong magpa-alam sa ‘yo.” wika ko ng nakaupo na ito sa upuan.
“Bakit uuwi ka ba Miles?” tanong niya naman sa akin.
“H-hindi po tiya magpapa-alam lang po sana ako m-may pupuntahan lang po ako.” mahinang wika ko sa kanya.
“Sige magpasama ka na lang kay Darlyn.” bigla naman namilog ang aking mata sa kanyang sinabi.
“P-po! H ‘wag na po tiya kaya ko naman po.” ani ko.
“Sige, basta ‘wag kang masyado magpa-gabi ha.” Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nakahinga ako ng maluwag dahil pinayagan ako ni tiya. Kaya lang kailangan hindi nila makita na si Ranz ang kasama ko, dahil baka pagalitan niya ako at hindi na payagan ulit na lumabas.
Pagka-alis ni tiya at Darlyn ay lumapit naman sa akin si Ranz at ngumiti sinamaan ko naman siya ng tingin dahil nilapitan pa talaga niya ako. Paano kapag nakita kami ni tiya.
“Bakit ka ba lumapit?” asik ko sa kanya.
“Bakit naman bawal? Kanina pa nga sana kita gustong lapitan.” wika niya sa nagtatampong boses.
“Saan ba kasi tayo pupunta?” inis ko namang tanong sa kanya.
“Somewhere.” sambit naman niya na may ngiti sa labi.
“Somewhere somewhere ka dyan! Halika na nga.” singhal ko sa kanya habang napakamot naman siya sa kanang ulo.
Tahimik lamang kami habang nasa bintana ako nakatingin.
“Ahm how old are you Miles?” basag niya naman sa katahimikan namin.
“Eighteen na ako.” ani ko habang hindi siya nililingon.
“Mas matanda pala ako sa ‘yo.” Napatingin naman ako sa kanyang sinabi.
“Bakit ilang taon ka na ba?” ani ko.
“Thirty.” sambit niya.
“May asawa ka na ba?” tanong ko naman sa kanya kasi baka may asawa na siya. bigla naman siyang napahalakhak kaya tiningnan ko siya ng masama.
“Ano namang nakakatawa sa tanong ko?” Kunot noo kong tanong sa kanya.
“Because you made me laugh, bakit naman kita yayain mag dinner kung may asawa na ako.” Ngiting sabi niya.
“Baka naman meron tapos nagsisinungaling ka lang.” Irap ko namang sabi sa kanya.
“Don’t worry hindi ako nagsisinungaling sa ‘yo, and kapag may asawa naman ako si siguraduhin kung ikaw ‘yon.” Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
“Sira.” sambit ko. at lumingon ulit sa bintana ng sasakyan.
“But your blushing.” wika niya habang natatawa.
“Tse! Blushing ka dyan.” asik ko naman sa kanya. Hindi ko naman mapigilang mapangiti habang nakatingin sa labas. Tsk ang kulit niya talaga pero masaya siyang kasama.
Dumaan ang ilang buwan at napapalapit na ang loob ko kay Ranz, dahil mabait naman siya at palagi rin siyang nandito sa tindahan.
“O, Miles. Bakit hindi ka pa naghahanda ng dadalhin mo.” wika ni tiyo.
“Po? Saan po ba ako pupunta tiyo?” takang tanong ko naman sa kanya.
“Ipinagpaalam ka kasi ni Ranz na aalis daw kayo.” aniya.
“Saan daw po kami pupunta tiyo?” tanong ko ulit kay tiyo dahil wala naman siyang sinabi sa akin na aalis kami.
“Hindi ko alam. Basta maghanda ka na lang ng mga gamit mo.” aniya.
“Baka po pagalitan ako ni tiya.” ani ko, dahil baka magagalit ito sa akin.
“Alam na ng tiya mo.” wika naman ni Darlyn habang papasok sa tindahan. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya dahil mabuti pa siya alam niya na aalis pala kami.
“Hi, are you ready?” Ngiting tanong niya sa akin.
“Saan ba tayo pupunta? Bakit sila lang ang may alam bakit hindi mo sinabi sa akin?” wika ko sa kanya sa naiinis na boses.
“Gusto ko lang naman magbakasyon kasama ka.” wika niya habang kinuha ang hawak kong bag.
“Saan naman?” tanong ko sa kanya habang binubuksan na niya ang pinto ng kanyang sasakyan at pinasok ako.
“Quezon.” sambit niya na ikinalaki ng aking mata.
“Ang layo naman ng pupuntahan natin.” asik ko naman sa kanya.
“Tsk, don’t worry ipinag-paalam naman kita sa tita at tito mo.” aniya.
“Kahit na ang layo pa rin do’n.” wika ko habang nakatingin sa labas.
“Don’t you want to be with me?” Napalingon naman ako sa kanya.
“Gusto naman ang sa akin lang kasi dap-.”
“Don’t worry I don’t do anything bad to you.” Ngiting wika niya sa akin.
Dumaan ang ilan oras ay narating namin ang Gumaca Quezon. Namamangha naman ako sa ganda ng lugar lalo na sa pinuntahan naming Gumaca Island.
Pagpasok namin sa hotel ay nakatingin ako sa kanyang kamay ng inabot niya sa akin ang isang card key.
“This is the key to your room, don’t worry, we’ll just be opposite the room.” Ngiting wika niya sa akin.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanya.
Nang makapasok na ako room ko ay mabilis ko itong isinara habang napahawak ako sa aking dibdib. Ang bilis kasi ng t***k nito, at ang akala ko dati ay bastos siya pero hindi naman pala.
Nang mai-ayos ko ang aking dalang gamit ay may narinig akong katok. Tumayo naman ako para buksan ito.
“Hi, hindi ka pa ba nagugutom?” tanong niya ng buksan ko ang pintuan.
“Hindi pa naman halika pasok ka.” yaya ko naman sa kanya at agad naman siyang pumasok.
“Ano pa lang trabaho mo? Bakit marami kang oras tumambay sa tindahan?” tanong ko sa kanya habang nakaupo siya sa sofa.
“I am a soldier.” wika niya na ikina-angat ko ng tingin sa kanya.
“S-sundalo ka?” gulat ko namang tanong sa kanya. Dahil hindi ako makapaniwala na sundalo pala siya.
“Yeah,” sambit niya. Na ikinatango ko.
“Why? Are you afraid of me now?” aniya.
“Bakit naman ako matatakot sa’yo?” ani ko. na ikina-kibit balikat niya.
Ginagabihan ay niyaya niya akong mag-swimming mabuti na lang at may dala akong swimsuit.
“Are you ready?” tanong niya ng mabuksan ko ang pinto.
“Oo,” sambit ko.
“Let’s go.” wika niya habang inabot niya sa akin ang kanyang kamay. Hinawakan ko naman ito at nag-umpisa na kaming lumabas.
Napatingin naman ako sa mga taong lumalangoy.
“Remove that.” Turo niya naman sa suot kong bathrobe. Kaya tinanggal ko na ito.
“Tara na,” wika ko habang nagtatakang napatingin sa kanya dahil nakatulala na ito.
“Hoy, Ranz.” tawag ko naman sa kanya.
“Why are you wearing like that?” wika niya habang kinuha ulit ang aking bathrobe at i-binigay sa akin.
“Bakit? Diba maliligo tayo?” takang tanong ko naman sa kanya.
“Yeah, but I don’t told you that you can wear that.” wika niya sa naiinis na boses.
“Ano bang gusto mong suotin ko.” asik ko naman sa kanya.
“You can wear my boxer short.” aniya .
“Ano? Sira kaba? Bakit ko naman susuotin ‘yang boxer short mo.” singhal ko naman sa kanya.
“Because I don’t want other man look at you.” wika niya sabay kamot sa kanyang batok. Kaya hindi ko mapigilang mapatawa sa kanya.
“Hey, bakit mo ako pinagtatawanan?” Kunot-noo niya namang tanong sa akin.
“Ang cute mo kasi,” wika ko at hinubad ang bathrobe.
“W-where are you going?” tanong niya pa.
“Maliligo.” sambit ko at nag-umpisa ng maglakad. Mabilis naman siyang sumunod sa akin at isinuot sa akin ang kanyang t’shirt.
Napapangiti na lang ako sa kanya habang hawak na niya ako sa aking kamay.
“You know what, y-your really beautiful.” aniya. Habang nakatitig sa akin.
“Salamat.” sambit ko sa kanya.
“I hope you like me too,” wika niya sa mahinang boses.
“N-nanliligaw ka ba sa akin?” tanong ko naman sa kanya.
“Yeah, hindi mo ba alam?” Napahalak-hak naman ako dahil sa kanyang sagot.
“Hey! Are you making fun at me?” Kunot-noo niya namang tanong sa akin.
“Paano kasi nakakatawa ka,” wika ko sa natatawa na boses pa rin.
“If you laugh me like that again I kiss you.” wika niya na ikinatigil ko.
“Tsk. Are you afraid?” wika niya sa natatawa na boses. Luko talaga ‘to gumanti ba naman sa akin.
“Afraid ka riyan, baka magulat ka kung halikan kita.” wika ko na ikinahinto niya.
“Really.” sambit niya habang inilapit sa akin ang kanyang mukha.
Bigla ko naman siyang hinampas at agad lumusob sa tubig. Pag-angat ko ay hindi ko na siya nakita. Aahon na sana ako ng may biglang humawak sa aking beywang na ikina-sigaw ko.