Habang naglilibot ako sa buong paligid ay napansin ko si Trina na abala sa paglilinis ng kanyang baril. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. “Ano ginagawa mo? ” Tumingin ito sa akin nang seryoso at hindi ngumingiti. “Nililinis ko lang ito. Isa pa, kailangan kong makasiguro na hindi ito papalya sa oras na mapalaban tayo.” “Ganoon ba? Mabuti kung ganoon, kailangan mo iyan.” Hindi na ako nagsalita pa at sumandal na lang ako sa headrest ng upuan habang pinagmamasdan siya. Napatingin ito sa akin na tila may nais itanong. “May gusto ka bang sabihin? ” tanong ko sa kanya. “Hmmm… ano meron sa inyo ni Icey? ” “Kailangan ko bang sagutin iyan? ” “Syempre. Matagal na tayo magkakilala at alam mong alam ko ang lahat tungkol sa’yo.” “Sabihin na natin na gusto ko siya.” Natawa siya nang

