Maaga silang dumating sa probins'ya ng Iloilo.Anihan kasi ngayon ng mais kaya minabuti ni Bakz na umuwi muna .Simula bumili s'ya ng bukirin para taniman ng mais at kamote,hindi na sila ulit nakauwi. "Kuya para magandang negosyo 'to,bukod sa makakatulong tayo sa mga taga nayon,malaking supply din 'to sa mga charity natin."Saad naman ni Sol sa kapatid habang nililibot ang paningin sa malawak na maisan ng kapatid.Noong unang punta n'ya dito hindi s'ya nakalibot o pamasyal man lang. "Sinabi mo pa.Hindi lang 'to nag-s-supply sa atin,dahil ngayon nag-e-export narin ako ng chicharon kamote at balak ko pa 'to palawakin para naman kahit papaano mabawasan ang mga asawa na nagbabalak mag-abroad." "What do you mean Kuya?"Konot-noo na tanong ni Marisol. "Huling usapan kasi namin ni Mayor Leo bumaba

