Zenaya
Inaayos ko na ang gamit ko ngayon dahil sabi nila na magaaral na daw ako sa Wysteria Academy, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko kung maeexcite ba ako or what? Dahil hindi ko alam kung anong klase makakasalamuha ko at paano ako makikitungo sa mga tao dahil lumaki ako na ang mga kasama ko ay mga fairy at mga hayop dito saaming kingdom.
Sabi nila Auntie, ang fairy na nagpalaki saakin na naabutan lang daw nila ako sa labas ng kanilang pinto at may sulat na nakalagay duon, pero wag kayo magisip na maliit lang ang fairy dahil kasing tangkad din nila ang mga tao pero ang pagkakaib lang ay ang kanilang mga tenga at ang mga mata ng nito na hindi pang karaniwan sa mata ko.
Nakalimutan ko mag pakilala sainyo ako nga pala si Zenaya Lancaster, and 18 years old. Simula nung dumongtong ako ng 7 years old ay trinaining na ako ng mga fairy sa aking kapangyarihan, centaur at elfs naman sa pakikipaglaban gamit ang sandata at tinuruan din nila ako mag basa ng mga iba't ibang lenggwahe.
Nang maayos ko na ang mga gagamitin ko ay agad naman ako naligo at mag bihis, simple lang ang suot ko,black na bicycle short, white vintage t-shirt at sinuot ko na lang yung white shoes ko dahil yung mga sapots ko nakalagay na sa box na dadalhin ko.

(A/N: just incase na hindi niyo magets yung description ko hahahaha.)
"Andyan kana pala, halika dito gagawa na ako ng portal papunta sa academy at ihahatid kita." Sabi ni Auntie Lily, bago siya gumawa ng portal iniba na muna niya ang kanyang anyo, nag mukha na siyang tao at hindi fairy after nun ay gumawa na siya ng portal.
Sabi ni Auntie nailagay na niya daw sa tapat ng Academy yung mga gamit ko para wala na kami bibitbitin kung hindi itong maleta na lang ang dadalhin ko na ikinatuwa ko din naman, pumasok na kami sa portal at ito ang pinaka ayaw ko dahil para hinihigop nito ang kaluluwa ko at nakakaduwal talaga siya grabe as in!
Pero nawala din ang pagkahilo ko ng makaapak na ako sa lupa, ang ganda ng bumungad saamin may clear na paty at mga nakalinyang puno at sa dulo ng ito ay makikita mo ang malaking gate at pader, nakita ko sa tapat ng gate ay ang mga gamit ko.
Dumeresto na kami ni Auntie duon, kinausap niya ang nagbabantay na guwardya at may pinakita itong papel, tumango ang guard at may tinawag siyang kasamahan upang kunin ang mga gamit ko, hindi na lang ako nag sasalita.
Third Person
Nang makapasok sila Zenaya hindi mapigilan ng mga nakakalat na estudyante na mapatingin sa dalaga dahil sa ganda na taglay nito, ang buhok niya na maputlang ginto ang kulay na naiiba sa lahat, ang mata niya na kulay pilak, ang labi niya na kasing kulay ng rosas at ang kinis ang maputi niyang balat, pero hindi maipagkakaila ng mga estudyante ang aura na lumalabas sa dalaga at ang lamig ng kanyang mukha.
"Grabe ang ganda niya, mas maganda pa siya sa mga prinsesa."
"Ang ganda niya gurl pero nakakatakot siya, napaka cold ng kanyang expression."
"Bagong estudyante ata pre! Kinis at ang haba ng legs! Solve na solve na ako dito."
"Mukha pa lang pre wala na tayong pag asa dyan hanggang tingin na lang tayo hahahahaha."
"Another slut in academy, tsk."
"Maganda nga pero baka weak naman yan."
"Mukhang mataray gurl! Baka malandi din nako may bago ka nanaman kakompetensya."
Simula nanaman ang mga bulung bulungan at hindi na lang pinansin ito ng dalaga pero hindi maitatago sa puso niya ang lungkot dahil sa mga narinig ng mga ito.
Hindi nag tagal ay nakarating din sila sa opisina ng headmaster, alam ng diwata na tatanggapin niya ang kanyang alaga dahil sila ay matalik na magkaibigan nuon pa lamang
"Lily, hindi ko alam na ngayon ang iyong dating sana sinabi mo naman ng nakapag handa ako hahahahaha, sino naman itong magandang dalaga na kasama mo?" Salubong sa kanila ng headmaster at yumakap ito sa diwata
"Rigor, ito si Zenya ang batang napulot ko sa labas ng aming tahanan, may taglay itong kapangyarihan hindi ko na siya matututukan dahil sa dami na din ng aking ginagawa kaya gusto ko sana siyang ipasok dito saiyong eskwelahan kung maari lang." Sabi ng diwata sa pinuno ng eskwelahan na papasukan ngayon ng dalaga, alam na ng dalaga ang dahilan kung bakit siya papasok dito at sinabihan din siya ng diwata na ang kailangan niyang pumili sa isang kapangyarihan niya ang ipapakita sa mga ito dahil hindi maari na malaman nila na madami itong hawak sa kadahilanan na wala ni isa ang may kakayahan na humawak ng iba't ibang elemento dahil ang bawat isa sa kanila ay iisa lang ang tanging mahahawakan nito at pag nalaman na higit sa isa ay maaring ikapahamak niya ito, agad naman naintindihan yun ng dalaga.
"Makakaasa ka saakin Lily, iha pwede ko ba malaman ang iyong pangalan at kapangyarihan?" Biglang baling naman sakanya ng headmaster
"Zendaya Lancaster po and I have a power to manipulate ice and have an ability to heal." Pag sagot naman ng dalaga dito na aikinangiti ng headmaster at tumatango tango pa ito.
"What so a sub-element huh? Nice, just fill up this paper and this will be the key for your dorm room, may kasama ka dito but this dorm is not permanent, may iba't ibang houses dito maililipat ka sa mga ito after the ranking test, you'll know it tomorrow in the ceremony." Pag papaliwanag sakanya ng headmaster, agad naman niyang finill up-an yunh papel at umalis na din ang kanyang tita pagkatapos nito.
Tinawag lang ng headmaster ang kanyang secretary upang ihatid siya sa kanyang dorm, akala niya matiwasay siyang maglalakad ngunit pag labas palang ng opisina ay madami agad nakatingin sakanya at mga bulungan na naririnig din naman niya, hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang ulo niya.
"Wag mo na lang sila pansinin miss, maganda ka kasi kaya ganyan sila sayo." Sabi sakanya ng secretary may isang gusali sila na nadaanan malawak ito at isang palapag lang ito, "that is the Cafeteria, all students eats their breakfast, lunch and dinner their pero meron din naman silang kusina sa mga dorm niyo kaya nasa saiyo kung gusto mo kumain dyan or not, and the building over there naman isa the library" paliwanag ulit ng secretary, sa kabilang daan naman ay may malaking field at malaking gusali na ilan din ang palapag at katabi nun ay mukhang gymnasium "ow that one over there is the field, dyan kayo mag tratraining ng mga weapons niyo and yung malaking building there is the school and yung katabi dyan kayo nag eensayo ng inyong kapangyarihan, dederetsyo lang tayo ang that fountain is the way to your dorms, sa left wing ang boys dormitory and right wing ang girls, pero itong dorm na ito ay for beginners lang at sa mga common power pero may ranking parin, may mga different houses dito, makakapasok ka lang sa mga houses na ito after ng ranking test pero kung common power ka at mataas score mo sa ranking test ay mag iistay ka dito." Pageexplain niya ulit sa dalaga at tumango lang ito sakanya
"Ano po ang mga houses?" Tanong ng dalaga na ikinagulat naman ng secretary dahil ngayon lang ito nag salita, at nginitian ang dalaga
"May 5 different houses, yung common/beginner house, ito yung dorm mo ngayon pero sabi ko nga mababago yan sa ranaking test, pangalawa ang mga spell caster houses, dito nakatira ang mga sorcerer at witch pero may hati parin dito sa left wing ang girls at right naman sa boys, pangatlo ay ang rare houses, dito yung mga sub elements ang hawak, ang pang apat naman ay ang knight houses dito naman ang medyo may lakas na sakanilang kapangyarihan and lastly ang elite house, dito nakatira ang mga royalties dahil sobrang bihasa na sila sakanilang kakayahan at may abilidad din sila sa pag teteleport at wala pa na kakapasok sakanila, wag ka magalaala mababago ang house mo after a week dahil next week na ang ranking test kaya goodluck." Sabi nh secretary at ngayon ay nasa harap na sila ng kanyang dorm, hinawakan niya maigi ang susi dahil kinakabahan siya at ang secretary naman ay iniwan agad siya pag karating nila dito.
Pinuksan na niya ang pinto at ang bumungad sakanya ay ang malawak na recieving area, may tv dito at mga sofa sa dulo naman nito ay may sliding door na makikita mo na may mini garden sa labas at may mga benches at tables, sa kanang bahahi ng pinto ay may elevator at sa kaliwa naman ay hagdan, makikita mo mula dito ang second floor pero amg third hindi dahil ang sahig nito ang nag mimistulang ceiling na, timignan niya kung anong room and floor number siya, R4106 yun ang nakalagay sumakay siya sa elevator dahil ang hagdan ay pang secondfloor lang, pinindot niya ang fourth floor, nang makarating na siya sa kanyang palapag ay pumunta na agad siya sa kanyang dorm.
Namangha ito sa pag pasok niya dahil may dalawang hagdan sa magkabilang gilid at pag bukas ng pinto salas ang makikita mo, para itong isang loft apartment dahil duon sa hagdan na dalawa ay para pala sa kwarto, pumunta siya sa may salas sa likod ng salas ay ang kusina at sa gilid nito ay may isang pinto, sinilip ito ng dalaga, nagulat siya sa nakita niya na may natutulog na babae duon kaya agad agad siyang umalis hindi niya naisip na kwarto pala iyon, may pinto sa likod ng kusina at yun naman ang guest bathroom, umakyat siya sa kaliwang hagdan, kumatok muna ito bago pumasok, walang tao pero may mga gamit kaya agad siyang bumababa at pumunta sa kanan na hagdan dahil yun na lang ang natitirang pinto na hindi niya napapasukan.
Pag pasok niya duon ay biglang nagbago ang klima ng kwarto niya at ang pader na ito, nakita din niya ang mga box na inempake niya lang kanina ay nandidito na pala saknyang silid, sakto lang ang laki ng kwarto may study table, may closet at may sariling bathroom at queen size bed, napatingin siya sa ceiling na may maliliit na snow ang pumapatak dito pero hindi umaabot sa sahig ito dahil nawawala din ito agad, natutuwa siya sa itsura ng kanyang kwarto.
Niligpit niya muna ang kanyang mga gamit sa closet niya at buti na lang ay bumili siya ng shoe cabinet para sakanyang mga sapatos, inilagay niya yun sa tabi ng kanyang closet, inunti unti niya din inayos ang iba niyang mga gamit bago ito natulog.