Dumudugo na ang mga kamay ni Wesley pero hindi n'ya alintana ang kirot niyon at patuloy lang s'ya sa pagsuntok sa pader ng parking lot nila. Walang magawa ang mga noon ay nakatitig lang na mga tauhan nila sa mansyon na noon nga ay nagmamadaling ipinaalam sa kan'ya ang pag-alis ni Eunice ng gabing iyon. Hindi n'ya magawang sundan ang asawa dahil natatakot s'ya sa mga sumbat na maaari niyang marinig mula rito. Alam naman niya kung saan ito dadalhin ng mga paa nito ngayon at iyon ay walang iba kung hindi sa tanging lalaking minahal nito. Sa nanlalabong mga mata ay isinubsob n'ya ang mukha sa pader at tahimik na umiyak roon at wala na siyang pakialam pa kung nakikita pa s'ya ng mga tao nila sa ganoong kalagayan. Nawala ang kalasingan n'ya at wala ng ibang malinaw sa kan'ya ngayon kung hindi an

