Chapter 33 Kanina pa nagsasalita si Clinton sa tabi n'ya sa harap ng counter bar habang iniisang lagok n'ya ang laman ng champagne goblet at wala sa sariling nilalaro-laro n'ya ang isang pirasong help na naroon. Tagog-tagusan ang iniisip n'ya malayo sa lugar kung saan s'ya naroon ngayon. Kanina nang umalis s'ya sa Bahay nila ay hindi n'ya na muling nakita pang gising ang asawa n'ya kung nagtutulog-tulugan ba ito o kung sadiyang ayaw lang s'ya nitong makausap ngayong gabing ito ay hindi n'ya na alam pa ang totoong dahilan. Ang totoo niyang ay iniisip niya kung tama ba ang desisyon n'yang patuloy itong hawakan bilang asawa n'ya habang unti-unti naman niyang nakikitang tila nadudurog at nasisira ang buhay nito sa piling n'ya. Alam din n'yang sa mga oras na ito ay nasa bansa na rin ang totoo

