Umikot ang mga mata ni Eunice sa labis na asar sa sandaling pagkadulas ng bibig ni Wesley sa harap pa man din ni Manang Vivian. Ngayon ay alam na nito ang sitwasyon n'ya at wala na rin naman siyang balak na pagktakpan pa iyon dito. Kung sakali man na makarating ang bagay na iyon sa mga magulang ng asawa n'ya o sa parents man n'ya mismo ay wala na rin naman siyang magagawa pa sa bagay na 'yon lalo pa at alam naman n'yang darating din talaga ang panahon na malalaman din ng mga ito ang tunay n'yang kalagayan, nga lang ay hindi n'ya lubos akalain na sa ganito pa kabilis na mga oras lang 'yon mangyayari. "Hmm...manang h-huwag n'yo na lang ho sana intindihin ang sinabi ko kanina..wala lang 'yon at nagbibiro lang talaga ako," Tumitig muna ito sa kanilang dalawang mag-asawa nang palipat-lipa

