Napaunat ako nang matapos ako sa paglilinis ng kwadra. Napahawak ako sa balikat ko at marahan na minasahe ‘yon ng mapatingin ako sa labas ng bintana. Mula rito tanaw ko sila Eros na nangangabayo sa malawak niyang lupain. He has a smile on his lips and his face brightens up as if he's really happy at this moment.
Nakikita ko pa kung paano siya humalakhak habang inaalalayan iyong babae. Parehas silang masaya no'ng babae. Sobrang ganda niya lalo na sa ganitong maaraw. Mas nadedepina nito ang kulay pula niyang buhok at kumikinang ang mabuti niyang balat.
They looked happy. And I think this is the first time I saw Eros laughing like that in such a long time.
I felt a pang of pain in my chest and look away from them. Sa pagtalikod ko sa kanila, natanaw ko ang sarili sa isang salamin sa loob ng barn. I unconsciously looked at myself and realized I have dirt in my clothes because of my job. May putik, pawis na pawis at ibang-iba doon sa babaeng kasama ni Eros.
Mapait akong natawa. I pitied myself all of a sudden and realized that I did really hurt him. Kaya siya ngayon gumaganti. Kaya siya galit.
Mapait akong ngumiti sa sarili nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Alam ko namang galit siya. Inaasahan ko na galit siya, kaya bakit pa ako nasasaktan ngayon?
Pinahid ko ang luha at muling tumingin ulit sa bintana. I feel like I'm torturing myself but I have to do this for my daughter. Hindi ako makahanap ng trabaho at siya lang tumanggap sa akin. So, I have to accept that I'm trapped here with him.
Kinalma ko ang sarili bago nagsimulang dalhin ang natirang kabayo sa kwadra nila. Then, I start cleaning the barn now. Nagwalis lang ako, mop at nagpunas ng mga bagay doon. Nang matapos ako saglit muna akong umupo sa tabi, sumandal sa kahoy na pader at saglit na pinikit ang mga mata.
Lumira's face flash into my mind and I smile painfully when I remember my daughter. Miss na miss ko na siya, pero kailangan kong magtiis dahil para rin naman sa kaniya ito.
I have to work harder for her surgery. Hindi ako susuko kahit na mahirapan pa ako rito. Kung para naman ‘yon sa pampagaling niya, magtitiis ako. I won't let her die. I won't let another person in my life die again. Baka hindi na ako makabangon pa. Baka tuluyan na akong mabaliw kung pati siya kukunin sa akin.
Nakatulog yata ako dahil nagising ako nang may marinig na naglalakad palapit sa barn. I stood up immediately and I saw Eros walking towards me. Saglit siyang tumingin sa akin bago nilingon ang babaeng kausap.
I bow to them before I start walking away. Hindi na ako lumingon pa at diret-diretsong pumasok sa mansyon. Kumuha ako ng pagkain at bumalik sa kwarto namin para maligo.
“Mukhang inaantok ka talaga, Elora,” ani Janis sa tabi ko.
Nginitian ko lang siya habang inaayos ang buhok ko. Tinali ko ‘yon ng isahan.
“Magpahinga ka kaya muna? May oras pa naman para makatulog ka,” Talisay suggested as she look at me.
Umiling lang ako. “Guestrooms ang na assign sa akin ngayon. Medyo marami rin at kailangan palitan ang mga bedsheets.”
I wanted to rest, but I need to work. Kung hindi ako magtatrabaho, saan ako kukuha ng pera pang-opera ni Lumira? Ayaw kong matanggal, dahil baka hindi na talaga ako makahanap ng trabaho.
“Ang sipag-sipag naman pala.”
“Kailangan ng anak ko, eh,” sagot ko sana inayos ang sarili.
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nila sa gulat. I just smile at them while fixing my uniform.
“May pamilya ka na?”
“I have a seven year old daughter,” sagot ko.
“May asawa ka na pala! Akala ko dalaga ka pa. Mukha ka kasing bata.” Si ate Beth ‘yon na nakisama na sa amin.
Umiling ako. “Wala po akong asawa. And I'm twenty-nine years old, ate Beth.”
“Magkasing edaran lang pala tayo!” Si Janis.
“Mas bata pa ako sa'yo ng isang taon.” Saad ni Talisay.
I nodded. “Kaya kailangan magtrabaho para anak. Sige po, mauna na ako.”
I don't want them to ask more questions about my daughter. Diretso ako sa mga guestrooms sa ikalawang palapag. Inuha ko ang mga kwarto na malayo sa kwarto ni Eros.
Malapit sa kwarto niya ang guestrooms na malaki. Siguro mamaya na kung masiguro ko wala na siya sa loob. I don't know but I can't face him like this. I look like a s**t.
I started cleaning the smaller guestroom, iyong may single bed lang. Hindi rin naman masyadong madumi, kaya nag-mop na lang ako, nagpunas ng mga vase at iba pa. After I clean the room, I grabbed the newest bedsheet. Tinanggal ko muna ang luma bago ko pinalitan ng bagong.
I spray some freshener before I leave. Doon naman ako isa. Parehas lang din naman ang mga ginawa ko sa guestrooms. Nag-mop, nagpunas bago nagpalit ng bedsheets. When I reach the room along side with Eros' room, nagdahan-dahan ako sa paglalakad.
Siguro ay kasama pa rin niya ang dalawang kaibigan dahil tahimik sa pasilyo kung nasaan ang kwarto niya. Nang masiguro kong wala si Eros, nilinis kong mabuti ang guestrooms doon.
Naiiba nga lang ‘to, dahil ang guestrooms na malapit sa kawarto niya'y queen size ang ng kama. Mas maraming naka-display na mamahaling vase at iba pang furnitures. So, I have to be careful while cleaning the room. After kong mag-mop at punasan ang mga gamit doon, nagpalit na ako bedsheet.
It took me an hours before I was done. Nang matapos ako diretso ako sa pababa ng makasalubong si Janis.
“Tapos ka na?”
“Oo, bakit?”
Halatang masaya siya habang sinalubong ako sa hagdan.
“Kaya pala nagpalinis ng guestrooms! Nandito ang magkambal na Juarez at darating ang mga magulang ni Sir. Avery!” She sounds so excited as if she's really happy to see those people she mentioned.
I almost stop breathing when she mention Eros’ family. Saglit kong naramdaman ang panginginig ng kamay, kaya tinago ko ‘yon sa likod ko at pilit na ngumiti.
“Gano'n ba?”
“Oo! Parang kasama yata ang girlfriend ni Sir. Avery.”
Unti-unti kong pinakiramdaman ang sarili. My breath suddenly became heavy but I have to hide it. Gusto kong tumakbo palayo, pero may trabaho pa ako.
I didn't pay attention to whatever Janis were saying. Ang isip ko'y nakatatak sa magulang ni Eros. Kahit na matagal nang nangyari ‘yon, natakot ako bigla. Parang bumalik lahat.
Pinilig ko ang ulo at kinalma ang sarili. I can't have a mental breakdown right now, especially when I hear a woman laugh. A laugh that left a stain in my mind.
Lahat kaming katulong ay nakatingin sa magulang ni Eros na papasok ng mansyon. Kahit na nasa dulo, namataan ko ang matandang babae humalakhak habang nilingon ang anak niya na may kasamang babae.
“Son, it's good to be here again in your house.” She said, smiling at her son.
“Good evening, Mr. and Mrs. Avery!” The maid said in all chorus.
Napayuko ako agad nang tumingin siya sa gawi namin. I felt my hands trembling and my breath became much more heavier. Pilit kong kinalma ang sarili, pero hindi ko kinaya. It's too much! My head is spinning and all I could hear was my voice begging at her!
“Please po, tama na! “
“Sige na po. Hihiwalayan ko na si Eros, tumigil lang po kayo!”
“Kayong ng bahala diyan. Make sure she'll know her place after this.”
“Kung kailan, huwag niyong tigilan para mamamatay na!”
“She'll be as good as dead to my son.”
I felt my hot tears on my eyes. Tumalikod na ako agad dahil nagbabadya na ang mga luha ko.
“Elora, saan ka pupunta?” I heard ate Beth ask.
“May kukunin lang po…”
I didn't look at them and start walking away. My whole body was trembling. Sa malayo ay narinig ko ang malakas na tawa ng matanda, doon na ako tumakbo pa palayo habang hawak ang tenga. Pilit na tinatanggal sa sistema ko ang ginawa niya sa akin noon.