“SUMUNOD ka raw sa Kuya Val mo, Ingy. Dalhin mo ang kotse.” Napaangat ng ulo si Ingrid mula sa seryosong pagguhit ng disenyo ng damit sa sketch pad. Papagabi na nang oras na iyon. Hindi niya gustong magkulong sa silid kaya sa sofa niya inilatag ang sarili. Maingay ang rock music na naririnig niya mula sa earphones—na hinugot ni Tiya Precy bago niya narinig ang sinabi nito. Malakas ang music dahil dini-distract niya ang sarili. Napakurap-kurap muna siya, ilang segundo bago na-absorb ang sinasabi ng tiyahin. “Sumunod kay Kuya Val? Saan ho?” naghanap ang mga mata niya ng kalendaryo sa paligid. Ano na bang araw? Bakit gumagala ang pinsan niyang sobrang busy sa paglilingkod sa bayan? “Sabado ngayon,” si Tiya Precy, nahulaan na hindi na naman niya naa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


