"Hala! Tulala ka na naman diyan, Savien. Tumanda ka lang ng isang taon ang dami mo nang iniisip. Pa-share-it naman!" Nahampas ko kay Charles ang hawak kong papel dahil sa gulat, tinignan ko siya nang masama saka tinaasan ng middle finger pero natawa lang ang gago. "Aray! Ano ba kasing iniisip mo? Nako, Sav. Sign na nga talaga 'yan ng pagiging matanda." Hahampasin ko sana siya ulit pero nakalayo na siya sa akin, "tanga mo, Charles. Nag-iisip ako ng pwedeng idadagdag dito sa kantang sinusulat ko. Kaya pwede ba? Manahimik ka!" Kinuha ko iyong ballpen na nahulog kanina at nagpatuloy sa pag-iisip. Kaunting kembot na lang ay matatapos na ito. Nakaisip na rin naman ako ng tono kung paano iyong kanta. Muling lumapit si Charles sa akin at tinignan ang sinusulat ko, "outro na lang ba an

