Dahil ayoko na rin naman na mawalay sa kapatid ko ay nagdesisyon na akong dito na rin tumira sa bahay ni Ate Alexis. Dito ko na lang din itutuloy ang negosyo kung sakaling makakita ako ng magandang pwesto sa palengke na malapit lang din dito sa bahay. Mabuti na lamang at pare-pareho kaming mga business minded na magkakapatid. Saan pa nga ba kami magmamana kung hindi sa aming mga magulang. Ngunit kailangan ko munang umuwi sa probinsya para asikasuhin ang mga dapat kong asikasuhin bago kami tuluyan ng umalis doon ng anak ko at manirahan na dito sa lungsod. "Aalis kayo?" Lumingon ako sa nagtanong. Nagtataka naman ako kung bakit halos araw-araw ay narito si Lyndon. Wala ba siyang trabaho para bantayan na lang ang anak niya? Hindi ko na nga masyadong nakakasama at nakakausap ang anak ko da

