Episode 29

1115 Words

"Daddy, saan po kayo mag sleep?" narinig kong usisa ni Andrea sa kanyang Daddy Lyndon. Gabi na kasi kaya nagtanong na marahil ang anak ko dahil narito pa rin sa loob ng bahay ko ang kanyang Daddy. Maghapon namin siyang kasama. Kasalo na rin namin siya sa aming pagkain gaya ngayon, kasalukuyan kaming sabay-sabay na kumakain ng hapunan. "Sa bahay, anak. Mamaya kapag tulog ka na ay uuwi na rin ako. Pero pag-gising mo bukas ng umaga ay narito ulit si Daddy." Ang siyang naging tugon ni Lyndon kay Andrea. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Lyndon ngunit hindi siya pwedeng manatili rito at magpalipas din ng gabi. Hinayaan ko lang siya na makasama at maka-bonding si Andrea pero hindi ibig sabihin na hahayaan ko rin siya na manatili dito sa bahay ko kahit pa sabihin na isa siyang bisita at ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD