Episode 58

1321 Words

"Kumain ka na muna kahit konti bago tayo mag-usap." Ang alok na naman ni Lyndon. Nanlilisik ang aking mga mata habang mahigpit kong kuyom ang aking kamao dahil sa bumangon na na naman ang naghihimagsik na galit sa aking kalooban sa kung paano niya ako pakitunguhan na para bang wala lang talaga ang lahat ng nangyaring kaguluhan nga dahil sa kanyang kagagawan. "Hindi ako pumunta rito para kumain at makipag-plastikan sa inyong lahat. Narito ako para kausapin ka, Lyndon tungkol sa ginawa mong pagkuha ng walang paalam sa anak ko!" asik kong sambit at bukod tanging kay Lyndon lang nakatitig. Dahil sa kanya naman ako galit na galit. Isang buntong-hininga ang ginawa ng dati kong asawa at saka inayos ang bangko kung saan siya nakaupo kanina habang kumakain. Tumingin rin siya sa akin ng diretso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD