Episode 5

1178 Words
Episode 5 Maaga pa lang ay nakahanda na akong lumisan sa bahay na mahigit limang taon kong naging tahanan. Hindi na ako nagtataka ng naabutan na si Lyndon sa sala kasama sina Mama Dona at Loisa. Nakatingin sila sa akin ng may lungkot sa kani-kanilang mga mata. Binitbit ko ang aking dalahan na isang malaking maleta kung saan nakasilid ang aking mga damit at iba gamit habang maingat na bumaba ng hagdan. Lumapit ako sa kanilang tatlo. "Mama Dona, salamat po sa pagiging mabuti ninyo sa akin. Sayo rin Loisa, salamat din. Wala kayong ipinakitang hindi maganda habang magkakasama tayo. Karapatan kong maghinanakit pero hindi ko alam kung paano? Salamat sa inyo dahil naramdaman ko ang pagkakaroon ng isang tunay na pamilya." Nakangiti kong lahad na hindi kababakasan ng anumang panunumbat. Lumapit sa akin si Mama Dona at niyakap ako ng mahigpit. "Mag-usap muna tayo, Abby," bulong niya sa akin. Bahagya namang lumayo sina Lyndon at Loisa. Marahil ay nais kaming bigyan ng privacy para makapag-usap ng masinsinan ni Mama Dona. Umupo ako sa malambot na sofa kaharap ang aking biyenan. Mataman siyang nakatingin sa akin bago pa siya tumikhim at nagsimulang magsalita. "Bata pa lang si Lyndon na train ko na siyang sumunod sa lahat ng ipag uutos ng kanyang Papa. Gusto kong maging perpekto siyang anak lalong lalo na sa paningin ng Papa niya. Kaya naman ng maging close ang Papa mo at ang Papa Leo mo ay napagkasunduan nilang maging magtunay na magkumpadre. Kaya inuutos ng asawa ko kay Lyndon na maging malapit at maging mabait sa isa sa mga anak ng Papa mo. Dahil naghahangad din ang Papa Leo mo na mas umangat sa larangan ng negosyo sa pamamagitan ng pagiging malapit niya sayong ama." Mga kuwento ni Mama Dona. "Dahil ikaw ang laging nangangailangan ng saklolo. Kaya naman mas napalapit sayo si Lyndon. Dumating ang panahong dalagita ka na kaya naman paulit-ulit na ang asawa ko sa pagpapaaala na dapat ka ng bantayan ni Lyndon at siguraduhin magugustuhan mo siya." "Kung ganoon? Hindi ako totoong mahal ni Lyndon?" tanong ko sa aking sarili. Dahil lang din sa impluwensya na puwede nilang makuha kay Papa kaya siya sumunod. Na base lamang ang lahat ng kanyang pinakitang pagpapanggap sa pinag-uutos ni Papa Leo sa kanya. "Sa university college nakilala ng asawa mo si Crissan pero na galit ang Papa Leo mo dahil mas gusto niyang ikaw ang ligawan. Kaya naman kahit labag na labag sa kalooban ng asawa mo ay nakipaghiwalay siya kay Crissan. Niligawan ka at pinakasalan para sa kasiyahan ng kanyang ama." May kong anong lalong kumurot sa kaibuturan ko. Naikuyom ko nang mahigpit ang mga kamao kong nakapatong sa aking kandungan. Nanginginig ang bawat himaymay ng katawan ko pero nanatili akong kalmado. "Nagtapat sa akin ni Lyndon na nagkita at nagkaroon muli sila ng relasyon ni Crissan sa Japan. Alam kong mali si Lyndon pero huli na Abby. Huli na nang malaman ko dahil buntis na si Crissan at si Lyndon ang ama. Sorry anak, sorry Abby." Humagulgol sa pag iyak si Mama Dona at nakaluhod sa aking harapan. Agad ko naman siyang itinayo at gumanti ng yakap. "Sorry Abby, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sayo para mapatawad mo si Lyndon at kaming dalawa ng hipag mo sa pagtatago sayo ng sikreto," saad ni Mama Dona at patuloy lamang sa pag-iyak. Lumapit na sina Lyndon at Loisa. Nakiyakap din si Loisa samin ng kanyang Mama. "I'm sorry, Ate Abby. Naging kasangkapan kami ni Mama sa nangyaring ito. Maniwala ka Ate, hindi namin ginusto." "Wala kayong kasalanan Loisa, Mama Dona. Wala kayong kasalanan." Pagputol ko sa ano pa na sasabihin ng hipag ko. Alam kong naipit lamang sila sa isang napakahirap na desisyon. Kaya nga, heto na ako. Ang siya ng boluntaryong aalis para pare-pareho ng makalaya at magkaroon ng katahimikan. Bumitiw ako sa pagkakayakap ng aking biyenan na babae at muling hinarap si Lyndon. "Bakit Lyndon? Bakit hindi mo agad sinabi? Bakit hindi mo sinabing sumusunod ka lamang sa utos ni Papa Leo?" sumbat kong tanong sa aking asawa. "Sa lahat ng tao, ako ang unang makakaitindi sayo dahil alam mong ganyan din ang patakaran sa bahay kasama ang mga magulang ko. Bukas naman ako sa lahat ng nangyayari sa loob ng bahay at sa pamilya ko." Tumaas-baba ang kanyang Adam's apple at kumikibot kibot ang itaas ng labi na waring may nais sabihin pero nanatiling tikom. "Maiintindihan kita kung sanang sinabi mo pa lang noong una. Sana sinabi mo ang lahat ng ipinakita mong kabaitan, pagmamalasakit, pagiging sweet, pagsuporta, pagmamahal ay pawang mga kunwari lamang. Walang katotohanan at pagpapanggap lang." Humina na ang tinig ko sa huling pangungusap na sinabi ko. Na tahimik ang paligid ng ilan ding sandali. "Sana sinabi mo para naman hindi ako nangarap na makasama ka habang tinutupad natin ang parehong mga pangarap natin. Sana sinabi mo para hindi ganito kasakit, hindi ganito kabigat. Sana sinabi mo para hindi lumalim ang pagmamahal ko sayo. Sana sinabi mo." Pagpapatuloy ko sa mahinahong panunumbat sa asawa ko habang bumagsak na naman ang mga luha ko. "Dahil kung sayo, ang lahat ay pagpapanggap lang para masabing masunurin kang anak. Ako kasi hindi ganun ang nararamdaman ko. Tunay kitang minahal. Tunay kitang minahal Lyndon." Madamdamin kong pahayag at habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko pero mabilis ko rin naman na pinapahid gamit ang likod ng aking palad. "Abby, patawad. Alam kong walang kapatawaran ang lahat ng ginawa kong panloloko sayo. Pero maniwala ka sinubukan kitang mahalin ng magpakasal na tayo. Sinubukan ko Abby." Seryosong lahad ni Lyndon habang namumula na rin ang mga mata. Maniniwala pa ba ako? "Pero hindi mo pa rin ako nagawang mahalin?" mapait ko namang sagot. Muling naghari ang katahimikan. "Gusto kitang sampalin pero wala na akong lakas para gawin pa. Sa paraang galit na galit, gusto kitang sumbatan at murahin pero hindi ko na kaya pang isatinig," sambit ko sa paraang tama lang na kanyang marinig. Nagbuntong-hininga ako at muling kinuha ang maletang aking dala. "Mama Dona, Loisa." Pagtawag ko sa dalawang taong napamahal na rin sa akin. "Maraming salamat ulit. Aalis na ako." Malungkot na pagtango ang natanggap ko sa kanila habang wala rin silang tigil sa pagluha. "Babalik ako kapag ayos na ang papel para sa annulment natin. Ako mismo ang magpapapirma sayo para siguradong malalakad agad ni Attorney." Muli kong baling kay Lyndon. Hindi ko na alam kung lungkot ang bumalatay sa kanyang mukha. Matapos niyang magpanggap ng ilang taon. Tila ayoko ng paniwalaan pa ang anumang salita na lalabas sa kanyang bibig o kahit ekspresyon na makikita ko sa kanyang mukha. Sa mga idineklara ni Mama Dona, na realize ko kung gaano ako ka tanga, kamangmang, kaboba. Akalain mo nga naman. Mula pagkabata magkasama na kami ni Lyndon. Tatlong taon bilang magkasintahan. Limang taon bilang mag-asawa. Pero hindi ko na halatang sa likod ng kanyang mga matatamis na salita. Sa mga nakakahangang kilos at gawa ay nakatago ang isang mapagpanggap na pag-ibig. Kaya tama ang naging desisyon ko. Ang hiwalayan siya. Ang umalis na. Ang magpaubaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD