Luna "Let's get married.” I leaned over and kissed him. Hindi siya magkandatuto sa pagsuot ng singsing sa kamay ko. "Oh God! Finally!" Niyakap niya ako nang mahigpit at pinaulanan ng mumunting halik sa mukha ko. Pagkuwa’y yumuko siya at hinalikan ang tiyan ko. "Hear that babies? Wala nang bawian ‘yan, magpapakasal na kami ng Mommy ninyo.” Tiningala niya ako. "Sure na sure na ‘yan, wala nang atrasan.” Tumango naman ako. Pinahid niya ang luha ko. "Don't cry, please. Mamayang gabi pa ako dapat magpo-propose sa iyo kaso nagwala ka na agad. Mag-aalsa balutan ka pa. Tsk!" "Ikaw kasi. Sorry na..." lambing ko sa kanya. "Ngayon lalambing-lambing ka sa akin pero kanina halos pilipitin mo na ang leeg ko sa galit.” "Sorry na nga eh. Baby naman... Bati na tayo.” Nilaro-laro ko ng kamay ko ang

