AJ It was a close match. Magaling maglaro ang ama ni Luna. Masarap din siyang kausap at napakatalino. Nagsimula ang usapan namin tungkol sa villa nila hanggang lumaot nang lumaot tungkol sa history ng Espanya. Masayahin siyang tao at lahat ng lumalabas sa bibig niya ay may sense. I think as people age, they become like that. I won the match at naglaro pa kami ng pangalawa. Nanalo ulit ako. Sa patatlo ay dumating na si Luna. Medyo may kalayuan pa siya sa amin pero nakita ko na ang mukha niyang gulat na gulat. Dahil nawala ako sa focus ay natalo ako sa huling laro. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng ama ni Luna. "Dumating lang ang anak ko, nawala ka na sa sarili mo.” Nahihiya akong tumawa sa harap niya kaya napakamot na lang ako sa batok ko. “You have my blessing, son. I think you'r

