Chelsea's POV After kong makita na magkayakap sila Lincoln at Raven ay agad akong umalis ng Party. Nag-text na lamang ako kay Daddy na nauna na akong uwi at dinahilan ko na sumakit bigla ang ulo ko. Pero ang totoo ay ang puso ko ang sumakit. Siguro ay nagkabalikan na ulit silang dalawa. Wala na naman akong puwang para kay Lincoln. Ang hirap talaga na ikaw lang iyong nagmamahal. Stupid one-sided love. Hindi ako pumunta sa bahay nila kinabukasan para doon sa tutor kuno naming dalawa. Tinamad ako at idinahilan ko rin kay Mrs. Montero ay masakit din ang ulo ko. Dapat ko bang ikatuwa na nag-message sa akin si Lincoln doon sa online game na nilalaro namin? Hindi ko siya ni-replyan dahil sumasagi sa isip ko ang eksena last night. Alam kong wala akong karapatan na magselos pero kasi masakit

