Nakakabinging sigaw ang bumungad kay Lincoln nang dumating siya sa kanilang bahay galing sa kaniyang skwelahan. Halos hindi maipinta ang kunot na mukha ng kanyang Mommy na si Kathy. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanya ng masama. "W-what?!" Takot na tanong ni Lincoln sa mala-Dragon niyang Mommy. "Ano 'to, ha?!" Tila naduling si Lincoln nang itapat ng Mommy niya s mukha niya ang kanyang class card or class report card. "Dos? Major subject pa? Kailan ka naging bobo anak?! My Gosh! Hindi mo ba alam na kami ng Daddy mo ay nangunguna pagdating sa School? Tapos ikaw bibigyan mo kami ng grado na Dos---" "Mom, relax! First sem pa lang naman, at saka pwede pa naman 'yan mabago 'di ba?" "Anong mabago?! No! You need tutor. Hindi ako makakapayag na bumaba ka sa klase niyo!" Napahi

