Kabanata 33 : May We Meet Again Kathy's pov "Congratulations, Kath!" Kaliwa't kanan ang pagbati sa akin ng mga tao matapos kong mapanalunan ang title best Actress of the year and best acting for Kontrabida role. Hindi na talaga nawala sa pangalan ko ang salitang kontrabida. Ilang taon ko na itong title. After ng project ko six years ago bilang leading lady, sunod-sunod ang offer sa'kin bilang isang gaganap na kontrabida. Teleserye man or movie. Nakagawa na rin ako ng isang international movie. I could say na pang international na ang acting skills ko. Anim na taon ko na niyayakap ang trabahong ito. Masaya ako sa mga natatanggap kong parangal at papuri. Kung mahal mo ang trabaho mo, kailangan mong ibigay ang puso mo dito para mas maging successful ka. Marami ang nangyari sa buhay

