Kabanata 28 : The Caller Hindi akalain ni Kathy na mapapatawad niya agad si John sa lahat ng sakit na naramdaman niya sa binata. Ang rupok nga naman ng babaeng ito na masarap parangalan na masokista ng taon! Kahit nasasaktan na siya ng paulit ulit ay nagagawa niya pa ring mahalin ang taong hindi mo malaman kung mahal ka ba nito o hindi. Sa mga kilos at salita ni John na hindi mo malaman kung totoo ba or sadyang pinag-ti-tripan lang siya nito. No label. Sa isip ni Kathy ay mas okay na sakanya na nararamdaman niya pa rin ang kilig at pagmamahal para kay John. Kathy's POV Nandito ako ngayon sa condo unit ni John. After niya kasing maka-out sa Hospital ay gusto niyang alagaan ko pa siya hanggang dito. May konting lagnat pa siya at medyo nahihilo kaya pumayag na rin ako. Pinagluto k

