Kabanata 11 : Cheap "Baby!” "Punyemas ka! Tigilan mo nga ako sa kakababy mo!” Panay sunod naman sa akin ng Caden na ito. Ang daldal pa! Mantakin mong may plano na daw siya sa kasal namin? Baliw yata siya. "But, Baby!” Hinarap ko siya at tinaas ko ang hintuturo ko. "Isa pang salita mong baby, Ihahampas ko sa'yo si Justin Bieber! Kainis!” Feeling ko nga bukas headline kami ng Caden na yan. Kada kinakausap ako ni Caden may flash ng camera. Buti nga nasa discreet kaming lugar ngayon at hindi maririnig iyong sigaw ko sa Caden Lock na iyan! Naupo ako s fountain para ayusin iyong pagkakaayos ng Stilletos ko. Nalilihis paa ko sa kakalakad ko dahil panay sunod itong Caden na ito. Buti hindi na siya nakasunod sa akin dito dahil tinawag siya ng P.A niya. Buset yon! Ang daming hanash sa kalandi

