Ang lakas ng kabog sa dibdib ni Lincoln. Hindi niya aakalain na tatanggalin ni Chelsea ang kanyang maskara. Akala ni Lincoln na hindi siya nito nakilala. Nahiya tuloy siya at gustong hindi na bumalik pa sa party. Tinatawagan siya ng Mommy niya pero hindi niya ito sinasagot. Pinapabalik siya nito dahil nakita siyang sumakay sa kotse niya. Hindi niya alam kung paano na ngayon haharapin si Chelsea. Ang lakas ng loob niya kanina pero ngayon ay dinadaga ang kanyang dibdib. Iyong mga linya niyang binitiwan kanina kay Chelsea ay hindi niya alam kung saan 'yon nanggaling. Feeling niya ang baduy-baduy niya sa mga oras na iyon. Ano kaya naramdaman ni Chelsea nang sabihin niya iyon? Ano kaya ang nasa isip ni Chelsea ngayon? "Bahala na," He whispered to himself at saka pumarada ulit para bumalik s

