Kabanata 13: Owning "Let me do this," Mulat ang pareho kong mga mata sa biglaang paghalik sa akin ni James. Gusto ko siyang itulak pero hawak niya pala ang parehas kong mga kamay. Ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa batok ko para hindi makawala sa kanyang labi. Nang hiniwalay niya na ang kanyang labi ay napahawak naman ako sa akin. "B-bakit mo g-ginawa 'yon?" Halos pabulong ko na iyon sinabi. Dahil hindi ko talaga alam na gagawin niya ang bagay na iyon. "Hayaan mo akong sakupin ang puso mo. Hayaan mong ako ang magpatibok niyan, Kath. 'Wag na si James. He's a d**k! Hindi ka niya kayang mahalin, Kathy! Imulat mo ang mga mata mo at tignan ako." Gusto ko siyang tignan pero kada gagawin ko ay sumasagi sa isip ko si JK. "Umuwi na tayo," Iyan na lang ang nasabi ko dahil hindi ko r

