Kabanata 21 : Acting "Totoo bang nag-date kayo ni John keith Montero sa Korea?" Pang-ilang tanong na sa akin 'yan sa kada talk show na ina-attend-an ko. At iisa lang din ang sagot ko na turo sa amin ng aming manager. "No, it's just coincidence na nagsabay kami sa flight. I think may binisita siya sa Korea and ako naman ay pumunta sa isang concert mag-isa," May nakasabay kasi kaming Pinoy sa flight namin pauwi ng Pinas. Nag-post siya sa kanyang i********: na magkasama kami ni John sa eroplano. Kakalbuhin ko talaga ang babaeng iyon kung sino man siya! Ang sakit kaya sa ulo mga tanong ng medias at saka paulit-ulit pa ng tanong. Naputol agad ang issue namin ni John at nakalusot ito sa madla. Back to normal, busy na naman kami sa kanya-kanyang mga ganap sa buhay. Sunod-sunod ang g

