(Lexie Monteverdi’s POV) Nagsisimula nang mag-settle ang lahat—si Tita Minda at Prof. Ramos busy pa rin sa pag-aayos ng dessert plates, habang ang mga boys ay nag-aasikaso ng drinks at utensils. May natural na buzz sa paligid, ‘yung tipong hindi maingay pero buhay na buhay. Para bang everything is moving, pero ako, stuck sa maliit na bubble ko. Nasa tabi ko si Elian sa blanket, at kahit hindi naman intentionally malapit, nagtatama ang legs namin. ‘Yung maliit na contact na ‘yon—hindi halata ng iba, pero sa katawan ko, parang mini spark ng kuryente. Hindi ako na-o-overwhelm, hindi rin naiilang. Wala namang ginagawa si Elian, wala siyang pa-cute, wala siyang effort. Pero ‘yung presence niya… parang mabigat sa tahimik na paraan. Warm. Steady. Paminsan-minsan, magtatama ang tingin namin. Mi

