CHAPTER 2

1541 Words
Chapter 2: Unang pagpanggap NAGTATAKA ang mga kapatid ko kung bakit daw ako umiiyak at parang ilang taon kaming nagkahiwalay kung makayakap daw ako at ilang beses ko silang hinalikan sa noo nila. Sobra-sobra ang kasiyahan ko dahil hindi sila kasama sa trahedya bagamat nawalan pa rin kami ng mga magulang. Basta ang importante sa akin ay kasama ko pa rin sila. Na matutuloy pa rin ang pangarap ko para sa kanila. Gusto kong bigyan ng magandang kinabukasan sina Daryl at Darlene. Dahil ako na ang tumatayong mga magulang nila. Noong makabalik kami ay hindi ko binitawan ang mga kamay nila dahil sa takot ko na mawala sila. Walang natira sa amin na mga gamit. Mabuti na lamang ay may nag-donate pa rin na mga politika sa amin. Maraming biktima sa sunog at kahit doon nagsimula sa bahay namin ay wala akong narinig na kami ang sinisisi. Kahit piso ay wala kaming ginastos para sa libing ng mga magulang namin at ganoon din sa iba. Tatlong araw ang nakalipas at nailibing na namin sila nang maayos. Nakatulog na agad si Daryl kaya binuhat ko na siya. Hawak ko sa isang kamay si Darlene na bitbit niya rin ang supot na naglalaman ng mga candies at iba pang makakain nila. Sa totoo lang dapat problemahin ko na ang bahay na matutuluyan namin pero hindi ko pa iyon naiisip. Dumating ang nag-iisang kapatid ni tatay na si Tita Araneta Magsaya. May tatlong anak siya at ang panganay niya ay mas matanda ako ng tatlong taon pero seryoso talaga si Rouge at tahimik din siya. Hindi mo mawari kung ano ang tumatakbo sa isip niya. “Sa amin na kayo titira,” sabi niya. Baka nasabi niya lang iyon dahil kasama namin si Kapitana. Sa ngayon ay kailangan na muna naming tumira sa poder ni tita at iyon na nga ang nangyari. Hindi lang naging madali sa amin ang lahat at kailangan kong maghanap ng trabaho. Pero nahirapan nga ako lalo na nagkasakit ng dengue si Ryry at kailangan siyang i-admit sa hospital at kumapit na nga ako sa patalim. Naging prostitute ako dahil wala akong choice. “Isang milyon, fresh and virgin,” iyon ang sabi ng bading naming manager. Sinuri pa nila ako kung wala akong sakit lalo na ang AIDS. Pikit-mata akong pumirma ng kontrata dahil nasa kalahating milyon ang makukuha ko. Sapat na iyon para sa operasyon ni Ryry at sa iilan na mga gamot. Arch. Ito ang pangalan na nasa sobre. Ang taong kumuha mismo nang pagkabirhin ko. Umiyak ako noong una dahil nawala na sa akin ang isang pinakaimportanteng bagay na iniingatan ko. Hanggang sa sunod-sunod na nga ang problemang dumating sa buhay ko. Walang katapusang pagsubok ang ibinigay sa ’kin ng tadhana. Gayunpaman ay hindi ako susuko. Hindi ako basta-bastang susuko hangga’t alam kong may dalawang taong pinakamamahal ko ang umaasa sa ate nila. Hindi ito ang dahilan para panghinaan ako nang loob. Lalabanan ko pa rin ang mga problema at kahit ano’ng klaseng pagsubok pa ang darating sa buhay ko ay taas-noo kong haharapin iyon. Dahil naniniwala ako na ang lahat ng pinaghirapan ko ay may naghihintay pa rin na magandang resulta. Kung dati ay hindi ko pa kaya ang ganoong klaseng trabaho ay nasanay na ako. Isangp taon pa lamang na ganoon ang trabaho ko nang may isang lalaki ang lumapit sa akin. Nag-offer siya ng isang kakaibang trabaho. Balak niyang bilhin ako mula sa pinagtatrabahuhan kong clubhouse at kapalit na magpapanggap akong ibang tao para lang makasiping ang isang lalaki. Hindi naman talaga ako palatanong basta pera ang pinag-uusapan pero na-curious ako kung bakit naghahanap siya ng ibang babae para lang makasama sa isang gabi ang lalaki kung may asawa na rin ito. “Complicated,” iyon lang ang katagang lumabas mula sa bibig niya at nang makilala ko si Kallani Soleil ay unti-unti kong nalaman ang dahilan. Napipilitan lamang siyang pakisamahan ang asawa niya dahil may iba siyang pamilya. Nanahimik ako sa katotohanan na dinukot lamang siya. *** Huminga ako nang malalim at napatingin ako sa pintuan ng kuwarto. Nasa kama na ako at tanging roba na lamang ang suot ko. Kinakabahan ako sa totoo lang. Paano kung makilala ako nito na ibang tao at hindi ang asawa niya ang kasama niya sa kama? Ang dami kong negatibong naiisip pero kailangan kong panindigan ito. Pinili ko ito kahit malayo na ako sa dalawa kong nakababatang kapatid. Nangako si Randell na pababantayan pa rin niya sina Ryry at Darlene. Bukod doon ay nag-iwan na rin ako ng pera kay Tita Araneta. Napaigtad naman ako nang bumukas ang pinto at agad na akong humiga. Humugot ako nang malalim na hininga saka ko tiningnan ang lalaking papasok pa lamang. Pinatay ko ang ilaw ayon sa sinabi ni Randell. Na tanging nasa lampshade na lang. “Sweetheart. . .” Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang malamig ang boses niya ngunit may lambing ito. Bakit yata pamilyar ang kaniyang presensiya? Pakiramdam ko tuloy ay ito ang unang beses na ginawa ko ang bagay na ito at naalala ko ang gabing nawala ang pagkabirhin ko. Tumayo na ako para salubungin siya. Bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit ganito na lamang kung mag-react ang katawan ko? Nang hapitin niya ako sa baywang at ilapit sa katawan niya ay nalanghap ko na ang matapang niyang perfume. Hinawakan niya ang balikat ko at dahan-dahan nang ibinaba ang sleeves ng roba ko. Lacey panty na lang ang saplot sa aking katawan kung tatanggalin na niya ang roba. Sinakop agad ng malaking palad niya sa kaliwang dibdib ko at pumulupot na ang mga braso ko sa leeg niya kasabay nang paglapat ng mga labi namin. Tila nalulunod na ako sa masuyong niyang paghalik dahilan na humigpit pa ang braso niya sa baywang ko. Ewan ko kung bakit ang weird ng pakiramdam ko ngayon. Parang hindi ako nanloloko sa isang tao. Tila natural ang lahat. Lumalalim ang halikan naming dalawa hanggang sa dahan-dahan na niya akong inihiga sa malambot na kama. Nakapikit na ako at ninanamnam ang sarap ng bawat halik niya na tila dinuduyan ako sa alapaap. Sa tuwing may lalaki akong pinapaligaya ay hindi ko siya hinahalikan. Diretso agad kami sa patutunguhan. Sinapo pa niya ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya at bumaba ang halik niya sa panga ko, pababa sa aking leeg at sa hubad kong balikat, pababa pa sa aking mayayaman na dibdib at doon nagtagal ang mainit niyang labi. Hinaplos ko lamang ang buhok niya at naramdaman ko ang isang kamay niyang humihimas sa binti ko. Pinaghiwalay niya iyon at inayos ang pagkakapuwesto niya sa gitna ng mga hita ko. Ramdam ko ang bukol na tumatama sa entrada ko. Naka-o-overwhelmed at naninibago pa rin ako sa nangyayari. Parang nakapa-romantic. “Uhm. . .” halinghing ko nang mariin niyang hinahalikan ang dibdib ko at sunod-sunod na ang pag-ungol ko sa sarap ng sensasyon na ibinibigay niya. Dahan-dahan na niyang ibinaba ang kapirasong saplot sa pang-ibaba bahagi ng aking katawan kasabay nang paghagod ng isang daliri niya sa basa kong p********e. Maingay ang labi niyang sumisipsip ang naninigas kong n****e at humigpit ang yakap ko sa leeg niya nang ipasok niya ang daliri niya sa loob ko. Marahan niyang inikot iyon at nagsimula nang naglabas-masok. Nanginig ang mga labi ko at ang ingay ko sa mga oras na iyon. Hanggang sa labasan ako at bumaba pa ang halik niya sa pusod ko. Pababa pa sa gitna ng aking mga hita at napasabunot na ako sa buhok niya nang halikan niya ako roon. Unang beses na may humalik sa pribado kong katawan at kahit gusto kong pagtulakan siya ay hinayaan ko lamang siya. Nanginig ang mga hita ko at parang nawalan na agad ako nang lakas. Ilang minuto niya akong pinagpahinga at hanggang sa maramdaman ko ulit ang bigat ng katawan niya. Pawisan na kami pareho pero wala na akong pakialam pa roon. Amoy na amoy ko pa rin ang naghahalo naming pabango. Bumaon ang ulo ko sa unan nang dahan-dahan na siyang pumasok sa loob ko. Hiningal agad ako at napaigik ako sa sakit nang pagpasok niya. Bakit yata sobrang laki at haba niya? Ramdam ko ang taba ng alaga niya sa aking loob. Itong. . . Gayunpaman ay parang satisfied na agad ako sa unang pagpasok niya. “Sweetheart. . . I love you. . .” bulong niya sa tainga ko at umindayog na rin siya kaya sinabayan ko na siya sa ritmo ng aming sayawan sa ibabaw ng kama. “I love you too, hon. . .” bulong ko at siniil niya ako ng halik sa mga labi ko. Doon nagsimula ang lahat. Kahit pagod na pagod ang katawan ko at nanginginig pa ang mga binti ko ay nagawa ko pa ring umalis sa kanilang bahay at sinundo ako ni Randell. “Salamat, Dalia at pasensya na.” Ngumiti lamang ako ng tipid sa kaniya. Hindi ko magawang magsalita dahil namamaos ang boses ko at masakit ang lalamunan ko. “H-Halimaw pala sa kama ang kaibigan mo,” komento ko at natawa siya. “Yeah?” “Pero inaamin kong nag-enjoy ako. Kakaiba ito sa lahat, Randell. Kaya huwag kang makonsensya. Maganda rin naman ang performance niya,” sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD